Hindi na ako nakatulog ng sumunod na araw nang mapagtantong pumayag akong kumain ng dinner kasama ang mga Gallardo. I was panicking and worrying so much about everything. Bigla ay gusto kong gumawa na lang ng mga dahilan para hindi na makasama.Ngayon ay inaayusan ako ni Mari. Ang hanggang bewang kong buhok ay banayad niyang pinaplantsa at sinusuklay. Katatapos niya lang gawin ang light make-up ko at siya na rin mismo ang pumili ng isusuot ko. It was just a white flowy dress with a floral accent, and it fell right behind my knees. Sa kama kung saan ako patagilid na nakaupo ay nakahiga si Mill na kanina pa nakabusangot.
“Mag-sharon ka, ha?” sabi pa niya.
I scoffed. “Hindi pyesta ang pupuntahan ko.”
“Iba-bash ko talaga ‘yang si Kobe kapag hindi ka ipinagbalot ng spaghetti at shanghai.”
Mari clicked her tongue in annoyance. “Just say that you’re soothing her, Millicent. Ang dami mo pang sinasabi.”
Lumabi ako. “‘Wag na lang kaya akong pumunta? Marami namang p’wedeng irason.”
“At sinasabi mo talaga ‘yan habang inaayusan kita?” inis na saad ni Mari. “Dalawang oras na kitang pinapaganda! Sabihin mo lang kung hindi ka tutuloy at pakukulutin ko ‘to.”
“Kasi naman...” Lalo akong napanguso. “Napaka-successful ng family nila. Walang tapon sa kanilang lahat. Baka may mali akong masabi kapag tinanong ako.”
Tumawa si Mill. “Kailan ka ba may sinabing tama?” I glared at her. “Kapag pa naman nahihiya ka, lahat ng katangahan, nagagawa mo.”
“Pero sa katangahan niya rin nakuha si Kobe,” singit ni Mari.
I pouted. Nakakabwisit talagang kasama ang dalawang ito. Umalis ngayon si Ate Kat para magtrabaho kaya ang dalawa lang ang kasama ko sa apartment. Kobe was also texting me non-stop about the dinner. Medyo lumuwag na rin kasi ang schedule niya ngayon dahil sa katatapos lang na release ng album niya. He personally handed me three copies with his personal message and autograph, and as his fan, I was more than delighted.
Sa relasyon namin, kahit kailan ay hindi nawala sa akin ang tuwa sa tuwing makikita siyang masaya sa tinatahak niyang karera. Regardless of his fame, he never made me feel discarded. Para kaming nasa normal na relasyon lang. Walang camera. Walang mapanghusgang mga mata. Hindi man kasing dalas ng normal na magkasintahan ang pagkikita namin, sapat na sa akin ang araw-araw niyang pagtawag at pangungumusta sa akin.
“Kapag may nang-away sa ‘yo ro’n, tawagan mo ‘ko, ha? Handa akong makipagbasag-ulo kahit mayaman pa sila,” paalala ni Mill habang kinukuha ko ang maliit kong bag.
Ngumiti ako. I was nervous, but at the same time, happy... because it was really happening. Nakakapasok na talaga ako sa mundo ni Kobe. The entrance was way too much for me to get into and I knew I had a lot more to endure, but with the feelings I had for him, I knew I could make it... I knew I could last a long time.
“Magugustuhan kaya nila ako?” I asked myself.
Hindi matapobre ang mga Gallardo. Bali-balitang kalahati ng yaman nila ay napupunta sa charity work at wala ring bahid ng dumi ang mga negosyo nila. Many families and corporations looked up to them because of their almost perfect lives.
At ngayon, habang nakatayo ako sa tapat ng salamin, hindi ko maiwasang matanong sa sarili kung karapat-dapat ba akong makihalubilo sa kanila. Kahit kasi bago ang mga suot ko, hindi pa rin maipagkakaila kung saan ako nanggaling.
“You look nervous,” Kobe commented while we were on our way.
Napasulyap ako kay Kuya Enzo na tahimik lang na nag-d-drive. Sumilip siya sa rearview mirror at nginitian ako.

YOU ARE READING
In the Midst of the Crowd (Loser #1)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved ka na. Kahit hindi mo siya makausap o makasama, inspired na inspired ka. That was the case for Dawn...