Chapter 1: First Dose

20 6 0
                                    


Chapter 1

First Dose

Ashtria's POV

Nang matapos kong sulatan si Diary ay agad ko na itong niligpit at ipinasok sa kabinet.

"Nak! Hindi ka pa ba tapos dyan? Naghihintay na mga kasama mo sa labas" tawag ulit ni mama. Andito na pala mga kasama ko??

Ambilis naman... sabagay, kailangan nga palang maging maaga dumating dun sa vaccination site para maaga din kami matapos.

Btw ang tinutukoy kong mga kasama ay ang mga baliw kong kaibigan.  Nagkasundo kaming magsabay nalang pumunta dun sa vaccination site kasi ngayon na ang schedule sa pagbabakuna. Ehh, ayuko sanang tumuloy kasi nga baka totoo yung mga rumors na naririnig ko tungkol sa COVID-19 Vaccine na yan. Pero magpapaturok yung mga kaibigan ko. Kaya tumuloy nalang din ako. Why not diba? kung magiging zombie ako, atleast may kasama ako, hehe.

Tyaka kailangan din yun para doble ingat sa pagbabalik klase.

"Andito na po ma! saglit lang..." mabilis kong inabot ang face mask na nakasabit sa dingding ng kwarto ko tyaka sinuot. Kanina pa ako tapos magbihis ,medyo natagalan lang ako sa pagsusulat kay Diary, hobby ko na kasi yun.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto.

Sa subrang pagmamadali, hindi na ako nakapagsuklay. Oh natingnan man lang ang mukha sa salamin. Mukha pa kaya akong tao nito?

Hayy... bahala na nga.

Nang makalabas na ako ng kwarto ay naabutan ko naman si Ashelie, ang younger sister ko na nagsusuklay sa may pinto.

"Oh ate!! ang tagal mo naman... kanina pa tayo inaantay nina ate Necky"

"May inasikaso pa kasi ako..." lumapit ako sa kanya. "Ahh... Ash tingnan mo nga itsura ko, maayos ba? mukha pa naman akong tao diba?"

"Hindi. Ashtria..." nagulat ako ng imbis ang kapatid ko ang sumabat ay si Necky ang sumagot.

Hindi ko napansing pumasok pala siya.

"Mukha kang halimaw! Parang ginahasa buhok mo ng sampung kabayo... anong itsura yan? antagal mo sa kwarto mo pero hindi kamanlang nakapag-ayos, kahit nagsuklay man lang?" makalait naman tohng si Necky. Hindi lang makapagsuklay... halimaw na agad??

"Makasermon ka naman... tina time pressure nyu ko ehh..." nguso ko sa kanila. "...tyaka anong oras na ba, bat ang aga nyu naman ata?"

"7:30 na ate... tas babyahe pa tayo ng kalahating oras, so bale saktong alas otso tayo dadating dunn, idi paniguradong marami ng tao pagdating natin" sagot naman ng kapatid ko habang sinusuklayan niya yung buhok ko.

Inaayos naman ni Necky yung nalukot kong damit tyaka nagsalita.
"7:00 kami dumating dito... so kalahating oras kaming nag-antay sayo" tumataas baba pa kilay niya.
Hayss... kinalcu pa talaga nila yung oras, oh segi nahh... ako na makupad.

Mabilis natapos ang pagsuklay sakin ng kapatid ko. Pinalugay ko lang ang buhok ko.

"Ohh ayan...ok na yan ate! ayy wait.." nagmadali siyang kumilos at may kinuha sa kwarto niya. "...ehto suotin mo!!" hindi na ako nagreklamo nang mabilis nyang isinuot sa ulo ko ang pink na hairband na may design pang bulalak. "Ayan... so pretty..."

Pinanliitan ko lang siya ng mata.

"Hayss... tara na nga!"

"Ma!! una na kami!!" paalam ko kay mama na nasa kusina ata.

"Segi anak! bilisan nyu!! itext mo nalang ako pag kailangan na ako dun hah?? pupuntahan ko kayo agad" sigaw naman ni mama pabalik.

"Opo!!" si Ashelie na ang sumagot.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now