Chapter 7: Sweetdreams

4 2 0
                                    


Sweetdreams


Ashtria's POV


"Guys! Akyat lang ako sa taas." sabi ni Xainna habang naglalakad patungo sa may second floor ng bahay nina Necky. "I'm so tired... iidlip lang ako. Tawagin nyu nalang ako pag uuwi na tayo."

Tinanguan ko lang si Xainna habang nagcoconcentrate ako sa pagsagot ng modules ko. Nakaupo ako sa may sofa dito sa sala. Yung hita ko lang ang ginawa kong table sa modules ko. Gets nyu?

Btw kung nagtataka kayo kung ano ang kasunod na nangyari dun sa bahay na pinagdalhan ni Necky samin para magshoting sa video performance namin.

Well, wala namang kakaibang nangyari. Hindi lang naman kami nakapag focus sa pagshoshot kasi ginugulo kami ng mga sira ulong lalaki dun. Tuwing nag-uumpisa na kasi kami, bigla silang iepal kaya magulo tuloy. Minsan pa nga, sa kasagsagan ng serious na pagsasayaw namin bigla bigla nalang akong itutulak nung Phyzer Virus na yun. Nakakabuysit pero wala naman kaming magagawa kasi bahay daw nila kuno yun. Wag daw kaming magreklamo kong ayaw daw naming mapalayas.

Kaya ayon, gabi na kami nang matapos. Tsss, bat pa ba kasi dun pinili naming spot, pero wala din kaming magagawa. Ehh andun na kami eh.

Btw andito kami ngayon sa bahay nila Necky. Nang matapos na kasi kaming magshot at masatisfy na sa video performance task namin ay dito na kami agad dumiretso. Alas sais na din ng gabi pero hindi pa rin kami tapos sa ginagawa namin. Nagmomodules kasi kami. Ayts. Kainis, kasalan 'to ng mga kumag na yun eh. Kung di sana nila kami ginulo, idi tapos na sana kami sa modules namin ngayon. At nakapagahinga na sana kami. Pagod na pagod na katawan ko.

"Necky... may sagot ka ba dito? patingin nga!" kinilabit ko si Necky na nakatalikod sakin. Nakasandal yung ulo niya sa table, habang nakadapa naman yung hita niya sa sahig. Ganun din yung posisyon ni Ashelie na nagsusulat.

"Oyy! Necky..." tawag ko ulit sa kanya pero hindi siya sumasagot. Anong nangyari sa babaeng 'to?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kanyang harap. "Necky... hoy!" hinawi ko ang kanyang buhok na nakatakip sa mukha niya para malaman kung nakatulog na siya at ayy nakatulog na nga.

Nangialam nalang ako sa modules niya para makitingin ng sagot. Ibabalik ko nalang sa kanya pagtapos.

"Ate... dito nalang tayo matulog, inaantok na ako. bukas nalang tayo uwi" naghihikab na sabi ni Ashelie. Halatang inaantok na din siya. Sabagay, gabi na din. Tyaka nabanggit ni Necky na hindi daw uuwi ang parents niya ngayon. Busy sila sa trabaho at mag oovertime daw.

"Oh segi... pero kailangan magpaalam muna tayo kay mama, baka mag-aalala yun!" tumango lang si Ashelie.

"Segi ate ako na ang tatawag." lumayo muna si Ashelie.

Umupo nalang din ako sa sahig. Iniscan ko ang modules ni Necky. Kunti pa lang pala ang nasagutan. Mukhang mas madami pa nga akong nasagutan kesa sa kanya. Kaya ang ending, ibinalik ko nalang sa kanya ang modules niya. Andami pang walang sagot eh. Wala man lang akong nakopya.

"Tapos na ate!" napalingon ako kay Ashelie na papalapit sa direksyon ko. "Nagpaalam na ako kay mama... pero dapat daw maaga tayong umuwi bukas!"

"Ahh... segi!" tumayo ako sa kinauupuan ko sabay kalabit kay Necky. Niyugyog ko ang balikat niya. Gumalaw naman siya.

"Oyy Necky! dito nalang kami matutulog sa inyu ah? Nakakatamad na din umuwi tyaka masyado nang gabi." paalam ko sa kanya.

"Segi lang" nagising na si Necky at dahan dahan siyang tumayo.

"Matutulog na ba kayo? Tara sa kwarto." pasuray suray na naglakad si Necky dahil sa kaantukan. Hay, buti naman. Kanina ko pa gustong mahiga. Hindi na talaga biro yung nararamdaman kong antok at pagod.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now