Chapter 5: Modules

9 4 0
                                    


Modules

Ashtria's POV


Andito ako ngayon sa kusina, gumagawa ng meryenda para sa mga espesyal kong kaibigan.

Hmp. kahit nagtatampo ako sa mga yun, syempre ipagpiprepare ko pa rin sila ng snacks, mabait akong bata ehh. At tyaka mga buysit- este bisita ko pa rin sila.

"Nak! ako na dyan... yung braso mo"

"Wag na ma! kaya ko na toh... tyaka hindi na masyado masakit braso ko! nagagalaw ko na nga ehh" itinaas ko pa yung kamay ko. " Effective yung gamot ma!"

"Hayy, mabuti naman!"

"Opo! ahh segi ma, tataposin ko lang 'to tas iseserve ko na sa kanila" tumango lang si mama at lumabas na ng kusina.

Nang matapos ay agad ko naman itong hinatid sa kanila. Nasa may terrace ng bahay sila nakapwesto, tulad ng palagi naming tambayan pag pumupunta sila dito.

"Oh mga mahal kong espesyal na bisita! nakahanda na ang snacks nyu"

Nang mapansin nila ako ay agad silang lumapit sakin at nag uunahan pa talagang kumuha ng pagkain.

"Hmmm! thanks Ashtria!" agad bumalik si Xainna sa pwesto niya kanina.

Kumuha nalang din ako ng pagkain sabay upo sa may railings ng terrace.



Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa labas ng terrace.

Hmm, ang peaceful ng labas, walang mga kotseng dumadaan sa kalsada, wala ding tao. At kahit alas tres pa ng hapon, anlamig na ng simoy ng hangin.

Kumunot ang noo ko. Napalingon ako sa mga kaibigan kong himala ata at ang tahimik. Parang sinapian ng katahimikan ahh.

May dumaan kayang ang-

"KYAAAAHHH!"

Napaiktad ako sa lakas ng tili ni Xainna. Muntik pa ako mahulog sa kinauupuan ko kung di lang ako nakakapit.

"Ano ba Ai! bat bigla bigla ka nalang tumitili dyan hah?" mutik ko nang ikinamatay ang tili nya. Kundi lang ako nakakapit, nahulog na sana ako sa baba ngayon. "Papatayin mo ba ako sa gulat?!" hayss parang natrauma na ata ko sa nangyari kahapon. Ang bilis bilis ko nang nagugulat ehh.

Nahulog pa yung kinakain ko sa baba. hmp.

"Oo nga naman Ainna, lakas mo makabasag ng atmospera!"

"Sorry guys! ehh kasi naman, look! I found his account na... but nakakadisapoint kasi wala ni isa man lang picture niya" yun lang?

Yung lalaki pa rin bang yun pinuproblema niya?

"Kung makatili ka naman! yun lang pala! move on ka nalang Ai... anong mapapala mo sa lalaking yun?"

"Oo nga! kung ako sayo Ainna! asikasuhin mo nalang modules mo kesa yang kalandian m- WAIT!" nanlaki ang mata ni Necky. "YUNG MODULES NGA..."

"Bakit Necky?"

"YUNG MODULES NATIN, DI PA NASASAGUTAN..." "Footspa! sa Monday na yun ipapasa!"

Hala oo nga! bat nakalimutan ko? waahh... lagot na! sa susunod na araw na yun isasubmit.

Krazzyy brain cells! masyado ata akong maraming iniisip at pati modules ko nakaligtaan ko. Haynaku naman.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Ano pang hinihintay nyu?! tara na! asikasuhin na natin"

"Pano na toh?! sa Monday na ipapasa" sabat ni Necky. Nafufrustrate na siya.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now