Chapter 13: The Deal

2 1 0
                                    


The Deal

Ashtria's POV

Hinila ako ni Phyzer palayo sa bench na kinaroroonan namin. Hindi na ako nagreklamo. Wala din naman akong magagawa, kung papalag pa ako, mapapagod lang din naman ako.

Pero bago kami nakalayo ay nilingon ko muna sina Xainna. Lahat sila nakatingin samin na mga nakakunot ang noo. Parang nangungusap yung tingin ni Xainna sakin. Akmang tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Jack. Nag-aalala yung mukha niya, kaya nginitian ko nalang siya bago umiwas ng tingin.

"Teka! San moko dadalhin?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong patungo kami dun sa nakaparadang sasakyan niya, yung sasakyang sinakyan nina Jack kanina. Napansin kong hindi ito yung sasakyang ginamit niya nung unang beses naming magkita, nung muntikan niya akong masagasaan. Iba yung gamit niya ngayon. Aba! ang yaman naman ng kumag na toh, papalit palit ng sasakyan.

"Basta." tipid niyang sagot.

Ano daw, basta? May lugar bang ganun?

"Saang lugar yung basta?" sinamaan niya ako ng tingin. Anong masama sa tanong ko. Tss. Nagtatanong ako ng maayos kanina, sasagotin lang ako ng basta. Maayos ba yung sagot niya? Diba hindi?

"Tsk... pumasok ka nalang!" binuksan niya yung pinto ng sasakyan niya. Napatingin ako dun.

San ba kasi kami pupunta. Baka mamaya kidnapin ako ng lalaking toh. Baka may balak tohng masama kaya dapat maging handa ako.

Nag-aalangan pa ako kung papasok ba ako. Pero bigla nalang niya akong tinulak kaya naupo nalang ako ng di oras.

Grabi... napakagentleman naman niya.

Umikot siya at umupo sa may driver seat.

"Ikabit mo seatbelt mo!" utos niya. Makautos naman toh.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Tyaka yung phone ni Ashelie... akin nah!" muntik ko nang makalimutan yun. Buti nalang naalala ko. Kailangan ko yung makuha.

"Wait up..." may kinuha siyang isa pang selpon at may kung anong pinindot. Mukhang selpon niya ata yun. Ang ganda ah, halatang mamahalin. Madikwat nga yan mamaya, hehe.

"Tagal naman!" nakanguso kong sabi. Ano ba kasi yang pinipindot niya.

"Tsk... wag atat..." nang matapos na siya ay mabilis kong inagaw ang selpon sa kanya. Iniscan ko agad ang folder na naglalaman ng mga video at agad binura iyon.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sa wakas, wala na akong problema. Pwede na akong makatakas sa kumag na toh. Wala na din akong sabit.

"Buksan mo tohng pinto... bababa na ako!"

Hindi ko na kailangan ipagpatuloy pa yung pagpayag kong maging girlfriend niya. Total wala naman na yung video, hindi na yun makikita ng mga kaibigan ko. Oh diba? Hayss buti nalang.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi naman pala masyadong malas ang araw ko ngayon.

Nang mabuksan ko na ang pinto at akmang lalabas na ay may humawak sa braso ko. Napalingon ako sa kanya.

"What about this?" nakangising sabi niya at may ipinakita siya sa selpon niya.

Nanlaki ang mata ko. Punyemas, bat napunta sa kanya yung video. Ipinasa ba niya.

Ay tanga, bat di ko yun naisip agad. Malamang ipapasa niya talaga yun para makaseguro siyang wala na akong aatrasan. Hindi ko na alam ang gagawin, kala ko makakatakas na ako sa asungot na toh, hindi pala. Bat ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Okay, binabawi ko na ang sinasabi ko. Malas nga ako. Hindi ko na ata toh matatakasan. Ano pa kayang susunod na kamalasang mangyayari?

Love At First DoseМесто, где живут истории. Откройте их для себя