Chapter 3: Love At First Dose

10 4 0
                                    

Love At First Dose

Ashtria's POV

Pagkaraan ng tatlumpotpitong dusenang kabayo, ay sa wakas! dumating na kami sa may front ng pila.

Hayss, nakakangalay ng paa.

"Ashtria Zenica del Monte?" agad akong pumunta at umupo sa harap ng tawagin ang pangalan ko nung mag-iinterview.

"Yes po... ako po yun" sagot ko.

Sa wakas at turn ko na din. Kakatapos lang ni Ashelie sa pag-interview at ako na ang sunod.

"Hmmm... nice name!" kunot noong sabi nito.

Tipid nalang akong ngumiti.

"Btw may mga itatanong ako sayo okay?"

"Segi po mam"

"Kailan yung huling menstruation mo?" tanong niya.

"Last month po" pagsagot ko ng maayos.

"Anong araw?"

"Ahmm... First week of the month po"

"Okay" may sinulat siya sa papel.

"Ilang taon ka na? below 12? or hindi?"

"16 na po ako" magsi 17 sa December. Idudugtong ko sana.

"Okay! you're 16, hmm... okay ka naman? wala kang sakit? ubo? sipon?"

"Wala po!" mabilis kong sagot, umiling iling pa ako.

"Okay lang pakiramdam mo? nagugutom ka ba?"

"Hindi po! okay na okay po ako! at kakakain ko palang din po ng lunch"

"Are you sure?"

"Opo"

"Good... Okay! okay na... you can proceed to the bp taking area to get your blood pressure"iminuwestra niya kung san banda ang area kung saan dun din pumunta sina Necky matapos interviewhin.

"Okay po!"

Pupunta na sana ako dun nang biglang tinawag ako ulit nung nag interview.

"Oww btw, where's your parents? Kailangan kasama mo sila"

"Ahmm...on the way na po hehe" napakamot nalang ako sa ulo.

"Okay"

Teka!

Natext na kaya ni Ashelie si mama?!

Matanong nga.

"Hoy Ashelie!" mabilis akong lumapit sa kanya.

"Natext mo na ba si mama?! kailangan na siya dito"

"Oo ate... pero di pa nagrereply ehh" parang natataranta si Ashelie, patingin tingin siya sa selpon niya.

"Oh andito na sila!" napalingon ako nang magsalita si Necky.

"Sino?!"

"Andito na yung mga parents natin... ayun ohh!"

Agad na tiningnan ko ang tinuro ni Necky. Para naman akong nabunotan ng tinik.

Hayss... sa wakas. Andito na sila.

Mabilis kong kinawayan si mama. Napatingin siya sa direksyon namin at kumaway din ito pabalik.

"Kailangan nalang natin makuha ang blood pressure natin, then didiretso na tayo dun kay nurse Idk who she are, for injection, then... hmm... may kulang pa ba- ayy wait..." napalingon kami lahat kay Xainnna.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now