Chapter 14: Yogurt

4 1 0
                                    


Yogurt

Ashtria's POV

Itinuro ko sa kanya ang daan patungong bahay namin. Kalahating oras din ata ang byahe. Ihininto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay. Agad kong kinalas ang seatbelt ko at akmang bubuksan na yung pinto nang pigilan niya ako. Nagtataka ko siyang nilingon.

"Yung phone mo! Akin na..." sabi niya. Inilahad pa niya yung kamay niya.

"Bakit? Aanuhin mo yung phone ko." hindi niya ako sinagot imbis ay hinablot niya yung phone na hawak ko. Aba! makahablot naman toh. Ang hilig naman niyang mang-agaw ng selpon. Meron naman siyang sa kanya ah.

May kung ano siyang pinindot doon. Kinuha din niya yung selpon niya. Nang matapos na niyang pakialaman selpon ko ay ibinato niya iyon sakin. Tumama yon sa hita ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka na bang kailangan? Baka pwede na akong lumabas?" nakataas kilay kong sabi. Baka mamaya pipigilan na naman niya ako. Mabuti nang makaseguro.

"Wala na... segi na, lumayas ka na!" tinulak niya pa yung balikat ko. Grabi, hindi man lang ba marunong tumanaw ng utang na loob lalaking toh. Matapos nang pagpayag kong gamitin niya para lang makuha niya yung gusto niya. Hindi man lang ba siya magtithank you?

O kaya magsosorry? Kasi ninakaw niya yung first kiss ko ng ganun ganun nalang. Ang ending, ako pa tuloy nagkaroon ng atraso sa kanya. Ang unfair niya, napakasama niya.

Padabog kong isinara ang pinto ng sasakyan. Sumilip pa ako sa bintana.

"Thank you ah!" sarcastic kong sabi sa kanya. Thank you sa pagsira ng araw ko. Grabi, wala na atang kasing malas ng araw ko ngayon, at dahil lang yun sa Phyzer virus na toh. Ang galing talaga niyang mambuysit.

"Tsk..." sabi lang niya at pinaharorot na agad yung sasakyan palayo.

Napabuntong hininga nalang ako at nagmamadaling pumasok ng bahay.

----------------------------------------------------------

"Hoy bruha ka! San ka nagpunta nung umalis ka ng park?"

"Saan ka dinala nung Phyzer na yun?"

"Bat di na kayo nakabalik?"

"What are you doing there? May something ba sa inyu ni prince charming?!"

Halos palipat lipat ang tingin ko kina Necky at Xainna na pinauulanan ako ng tanong. Hindi ko alam kong pano ko sila sasagotin. Buti sana kung isang libo tohng bibig ko para masagot ko yung tanong nila ng sabay pero hindi eh. Pero napaghandaan ko na toh, nagpractice na ako. Kung pwede pa ngang isusulat yung script para sa gagawin kong pagstostory sa kanila, para mas maging malinaw.

Kaya ang ginawa ko ay bumuntong hininga muna ako bago ikwenento sa kanila ang lahat ng pangyayari, pero except dun sa sh building, syempre di ko ikikwento sa kanila yung kinuha ng Phyzer na yun ang first kiss ko, not now. Nagdahilan nalang ako na may nangyaring hindi maganda dun sa sh building pero hindi ko na sa kanila enexplain, basta, yun na yun.

"Pano kayo napunta sa ganong setup?" nagtatakang tanong ni Necky. Tumataas baba pa yung kilay niya.

Sasabihin ko ba? May dapat kayang makaalam na magpapanggap lang kami? Sinabi ko lang kasi sa kanila na inalok lang nya akong maging girlfriend niya, kasi yun naman ang totoo.

"Ganito kasi yun... inalok niya akong maging girlfriend niy---"

"At pumayag ka namang bruha ka! Hindi mo pa nga sya lubos na kilala... nagpadala ka na agad sa kanya. Malay mo pinaglalaruan ka lang nun!"

Love At First DoseWhere stories live. Discover now