Chapter 6: Gwapo

4 2 0
                                    

Gwapo

Ashtria's POV

"Jack?? What are you doing here?" napalingon si Jack sa kinaroroonan namin. Halatang nagulat din siya.

"Ate? Anong ginagawa nyu dito?"

"Answer me first, ako ang unang nagtanong..."

"Dito ang sinabi ko sayong pupuntahan ko"

"Ehh umaano ka dito?" tanong ulit ni Xainna.

"Andito mga tropa ko eh... tumatambay kasi kami dito!"

So may tao nga dito? at di lang iisa.

"Alam mo ba kung kaninong bahay toh?" takang tanong ko. Seguro naman alam nila kasi dito sila tumatambay. Baka mamaya, pagalitan pa kami nung may ari ng bahay na toh.

"Bahay namin"

"ANO??" sabay sabay naming sigaw. Pati si Xainna nagulat din.

Bahay nila? bat walang nabanggit si Xainna samin, tas bat di niya alam ang bahay na toh?

"Shunga ka talaga lil brother! anong bahay natin? kailan pa nagpatayo ng new house sina mom at dad?"

"Hindi kasi yun! ang ibig kong sabihin... bahay namin, bahay namin ng tropa ko..." lalo kaming napamaang sa sinabi niya. Seriously? eto? bahay nila? di nga.

"So magbubukod kayo ng tropa mo? is your tropa a girl??"

"Ayshh! hindi... sumama na nga lang kayo, ipapakilala ko kayo sa kanila." mabilis na kumilos si Jack paakyat ng hagdan. Sumunod nalang din kami.

"Andun sila sa may rooftop"

Habang papalapit kami sa may rooftop ay narinig na naman namin ang tawanan ng kung sino.

Nang makalapit na kami ay rinig na rinig na namin yung malakas na tawanan nila.

Hmm

May tatlong lalaking nakaupo sa may chair. Napapagitnaan nila ang table.

Okay? sila na ata yung mga friends niya.

"Gago pre! naubusan na ng yogurt sa sari-sari store na binilhan ko! ito lang nabili ko..." nilapag ni Jack ang dala nyang plastic sa may table. May mga laman iyong beer in can at chitchirya.

"Kaya ba nagdala ka nalang ng chix... aba ayos ahh" sabi nung lalaking nakatali ang buhok at nagyoyosi. Pinaglalaruan pa niya ang usok ng segarilyo, tas dudura.

"Eww" narinig kong bulong ni Necky.

"Hindi tanga! yung yogurt ang inaalala ko, utos pa naman yun ni Phyzer sakin... sarado kasi yung malapit na ice cream shop na pinuntahan ko"

"Lagot ka Uno! di pa naman umiinom ng beer yun" sabat naman nung lalaking blond ang buhok. Mukhang kaedad lang ni Jack.

Anong kinalaman ng yogurt sa beer? Wait. Don't tell me ihahalo nila yun.

"Yun na nga eh! Haishh, kabadtrip..."

"Sus! bigyan mo nalang ng chix yun... paniguradong matutuwa pa" tumawa yung nakatali ang buhok, tas tiningnan niya kami isa isa. Tas tumigil ang tingin niya sakin at tinuro ako. "Yan oh! pwede na yan... sexy..." nagwhistle pa siya.

Sinamaan ko ng tingin yung nakatali ang buhok.

Ano kami, laruan? easy to get? Hindi naman pala makapal ang mukha ng lalaking toh. Sumobra lang.

"Ehem, Jack! wala ka bang planong ipakilala samin mga yan?" tinuro kami nung lalaking nakasando na may suot na salamin. Kinakalikot niya yung dalang plastic ni Jack kanina.

Love At First DoseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang