Chapter 15: Girlfriend

5 1 0
                                    


Girlfriend

Ashtria's POV

Nagulat ako sa tili ni Xainna. Wait, sinong papunta. May inaasahan ba kaming bisita?

"Sino?" lumapit si Necky kay Xainna at nakichismis.

"Yogurt?" nakangising sabi ni Xainna.

Napatingin naman si Necky sa hawak niya tapos sa phone at kumunot ang kanyang noo. "Sino yang yogurt na yan?"

"Akin na nga!" binawi ko ang phone ko na hawak nila. Tas tiningnan kung sino ang nagmessage.

From Yogurt:

Pupuntahan kita.

Nagulat ako sa nabasa. Tas napakunot ang noo ko. Nagpapatawa ba siya, hindi naman ata niya seguro alam ang bahay nina Necky kaya paano siya makakapunta. Tyaka ano namang gagawin niya dito, mambubuysit na naman ba?

"Segi lang Ashtria! Hayaan mong pumunta siya dito... kokomprontahin namin ang lalaking yan!" napatingin ako kay Necky nang magtaas siya ng boses.

Hindi nalang ako sumagot. Bahala siya kung pupunta siya. Wala na akong pake. Nabubuysit pa rin ako sa kanya, at hindi na ata mawawala yun. Huling beses kaming nagkita, nung hinatid niya ako sa bahay. Tas yun lang, hindi na niya ako kinulit, naging peaceful na yung buhay ko at medyo nakalimutan ko na rin ang nangyari dun sa sh building. Tapos ngayon magpaparamdam siya bigla, ano na naman kayang kagagohang naisip ng kupal na yun. Kailangan maging handa ako. Ayukong masira ang araw ko ng dahil na naman sa kanya.

Kinuha ko ang plato na pinaglagyan ng snack ni Necky, ubos na yung laman. Plano kong ligpitin to pabalik sa kusina nila nang mapatigil ako. Narinig ko kasi ang sigaw ni Xainna.

"Ayan na siya!" napalingon ako sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa labas ng veranda.

"Hah?"

"May paparating na sasakyan."

Sabay sabay kaming napalingon ni Necky sa kalsada. Nakikita kasi dito sa veranda nina Necky ang mga dumadaang sasakyan sa labas. At tama nga si Xainna, may pamilyar na sasakyang paparating.

"Teka! sasakyan yan ni Jack ah!" sabi ni Necky.

Yeah, sasakyan nga ni Jack, pero hindi lang nag iisa ang ganyang sasakyan dito sa Pilipinas. So maaring hindi kay Jack yan at sasakyan yan ng iba.

Nakatutok lang ang tingin ko dun nang bigla itong huminto sa tapat ng gate nina Necky. At confirm, kay Jack nga, lumabas kasi siya dun.

Nang mahagip ng mata niya kami na nasa veranda ay kumaway siya.

Anong ginagawa niya dito. Siya lang ba mag-isa? o baka naman sumunod lang siya sa ate niya.

Nasagot lang ang tanong ko nang may biglang maglabasan sa sasakyan niya. Ang mga kaibigan niya. Magpaparty na sana ako eh, kala ko siya lang mag-isa. Kasama niya naman pala ang mga kumag. Lalong lalo na ang leader nila, nauna pa talagang lumapit sa may gate at pinatunog yung doorbell.

Tumaas agad ang dugo ko. Bat andito ang asungot na toh. Kampanti pa ako kanina kasi kala ko di niya matutunton ang kinaroroonan namin. Pero di ko naisip na andyan pala ang magaling niyang kaibigan na magtuturo sa daan papunta dito. Malamang magtatanong sila kay Jack. Tas tohng si Jack naman, to the rescue.

Napalingon ako kay Xainna nang tumakbo siya pababa. Tas nakita ko siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa gate. Wala akong planong bumaba. Dito lang ako sa veranda. Maiinis lang ako pag lalapit pa sa kanila lalo na pag makikita ko ng malapitan ang pagmumukha ng Phyzer virus na yun, magboboil kaagad yung dugo ko. Tyaka same vibes din ata kami ni Necky, naka eks lang kasi ang kelay niya at mukhang wala din atang planong iwelcome ang mga hindi ineexpect na buysita.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now