Chapter 4: Aray!

9 4 0
                                    

Aray!

Ashtria's POV


"Hayyy sa wakass" pabagsak akong humiga sa kama. Parang dun pa ako nakahinga ng maluwag.

Grabe... pagod na pagod ang katawan ko. Para akong bunugbog ng sampung elepante.

Alas kwatro na kasi kami nang makauwi. Tas nung matapos na kaming lahat sa vaccination site ay sumaglit pa kami sa supermarket. May binili lang yung mga parents namin. Then medyo malayo pa yung supermarket sa may gymnasium kaya nilakad namin.

Kaya ayun... pag uwi namin sa bahay agad akong nagbihis at nahiga na.

Angsakit sakit ng katawan ko.

"Ate?" narinig kong tawag ni Ashelie mula sa labas ng kwarto ko.

"Hmmm?" nakapikit kong sagot. Pagod na pagod talaga ako.

"Kakain na!"

"Segisunodako" inaantok kong tugon.

"Huh?"

"Sunod ako"

"Ano ate? di kita marinig!"

"Oummm" wala na... hindi ko na talaga malalabanan antok ko.

Kaya di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Ate?"

"...."

"Ate! tulog ka na ba?"

"...."

"Tulog na nga"



--------------------------------------------------------



Nagising ako dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman ko.

Ano kaya yun??

Ibinuka ko ang mga mata ko pero hindi ko magawa kasi natatakpan ng muta, kaya itinaas ko ang kaliwang braso ko para mapunasan ang mata ko pero napadaing ako sa sobrang sakit na naramdaman.

Halaka! bat ang sakit ng kaliwang braso ko? Halos hindi ko na maigalaw.

Kinusot ko nalang mata ko gamit ang kanang braso tyaka tiningnan ang kaliwang braso ko. Dun sa part na tinurukan ang masakit at kahit kunting galaw mo lang napapadaing ka na.

Hyss... ano ba naman yan? hmp. Ganun din kaya kina Necky? sumakit din kaya sa kanila?

"A-aray" daing ko nang dahan dahan akong bumangon.

Dahan-dahan akong pumasok sa banyo at inasikaso ang morning routine ko gamit lang ang kanan kong kamay.
Aysh, hirap naman... ngayon alam ko na ang feeling ng isa lang magagamit na kamay.

Halos isang oras ata akong nasa banyo bago matapos maligo. Nahirapan pa nga ako sa pagbibihis pero pinilit ko nalang ang braso kong igalaw at sa kabutihang palad, napagtagumpayan ko namang bihisan ang sarili ko sa kabila ng pagsubok sa aking buhay-este masakit na braso ko.

Aysh... ang OA ko na masyado. epekto ba toh ng turok? hmp, pabayaan na nga.

"Ash! suklayan mo nga buhok ko!" utos ko kay Ashelie nang makalabas na ako ng kwarto at nakita ko siyang nakaupo sa may sofa. Nakatutok yung mata niya sa TV.

"Hoy! Ash... naririnig mo ba ako?" bat di gumagalaw toh? Tiningnan niya ako pero di siya umiimik. Napano toh?

"Hoy! Ash, anyari sayo?" tinapik ko siya sa may balikat at halos mapaiktad ako sa sigaw siya.

"ARAY KO! MA OH... si ate!" mangiyak-ngiyak niyang sigaw.

"Ayy hala! sorry! nakalimutan ko" paktay, di ko alam masakit din pala yung sa kanya?

Love At First DoseWhere stories live. Discover now