Chapter 12: Ice Cream

3 1 0
                                    


Ice Cream

Ashtria's POV

"Necky! Pwede mo ba akong samahan?" bulong ko kay Necky.

Hindi ko na kayang manatili pa dito, lalo na kung andito ang Phyzer virus na toh. Baka sasabog lang ako sa inis. At baka hindi ko pa mapigilan ang sarili kong masuntok siya. Eh kasi naman... yung scene kanina. Pano ko yun makakalimutan, kung makikita ko ang pagmumukha ng lalaking toh. Lalo lang lumilinaw sa isip ko ang pangyayaring yun, at pag naaalala ko yun, parang gusto ko nalang maging kabote.

Kaya mas mabuti nang umiwas nalang?

"Segi! San tayo?" sagot ni Necky. Parang nababadtrip din ata siya dito.

"Ahm..." napalingon ako sa di kalayuan nang may marinig akong matinis na tunog ng parang maliit na bell. "Ayon... Tara! Bili tayo ice cream!" mabilis kong sabi at hinila si Necky papunta sa kinaroroonan ng nagtitinda ng sorbetes. Hindi na siya nakapagreklamo.

Nang makalapit na kami dun ay tyaka ako nakahinga ng maluwag. Sa wakas, nakaalis din ako dun, kanina ko pa gustong lumayo eh. Feel ko kasi ang bigat ng atmospera dun kaya bumibigat din pakiramdam ko. Oh sadyang ako lang talaga nakakafeel nun? Pero ewan, basta, hindi ako komportable. Buti nalang save by the bell.

Nang tuluyan na kaming makalapit ay napatigil ako nang tumigil din si Necky.

"Bakit Necky?" takang tanong ko sa kanya. Parang may pinipigilan kasi siya sa bandang puson niya.

"Wait lang, naiihi ako! Punta lang akong CR! Dito ka lang ah... antayin moko." bulong niya sakin.

"Oh segi! Basta bilisan mo!" sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumakbo papalayo. Halatang naiihi na nga siya.

Bumaling nalang ako dun sa nagtitinda ng ice cream. Mauna nalang akong bumili sa kanya.

Pero bago yun, hinawi ko muna ang face mask kong suot.

"Oh ijah! bibili ka ba?" tanong ni Mamang sorbetero. Mukhang wala pa siyang ibang customer.

Napalingon naman ako sa kanyang paninda.

"Oho kuya! Ahm... ano hong flavor ng ice cream nyu?" sagot ko sa tanong niya pero at the same time nagtanong din ako.

"Ito... mango, chocolate, tyaka cookies and cream." turo niya pa sa mga galon na lagyanan ng ice cream.

"Wala ho bang ube?" tanong ko. Gusto ko yun eh.

"Wala ijah eh, tatlong flavor lang ang tinda ko!" ay sayang favorite ko pa naman ang ube ice cream.

"Ahh segi ho kuya... mang---" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla nalang may kung anong lumapat sa likod ko at may nagsalita.

"Dalawang cookies and cream... sa girlfriend ko yung isa!" halos mapaiktad ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.

Mabilis akong napalingon sa kung sinong nagsalita pero agad din akong napaatras. Nagdampi kasi yung mga pisngi namin dahil sa subrang lapit ng kung sinong lalaki sa likod ko. Oo, lalaki yung boses at pamilyar na pamilyar. Hindi ako nagkakamali, ang kumag na Phyzer na naman toh.

Hindi ba talaga niya ako titigilan? Bat andito siya? Sinusundan ba niya ako?

Mabilis akong dumistansiya sa kanya pero ang luko, nahawakan niya yung braso ko.

"Ano ba... bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ako.

"Tsk... not unless kung papayag ka sa gusto kong mangyari." seyuso niyang sabi. Ano bang gusto niya? Papayag akong maging girlfriend niya, yun ba yun tinutukoy niya? Kung ganun, hindi pa ako nababaliw para pumayag sa offer niya at hayaang gamitin lang niya.

Love At First Doseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن