Chapter 11: Park

3 1 0
                                    


Park

Necky's POV

Kanina pa ako nakaupo dito sa may gate habang inaantay sina Ashtria. Anong nangyari sa mga yun? Bat antagal nila. Hindi pa ata nila natatagpuan ang lakwatserang Ainna na yun eh. Saan ba kasi yun nagpunta? Kung makagala naman daig niya pa si Dora.

Napatayo nalang ako sa inis. Kanina pa ako nagugutom. Gusto ko nang kumain ng fishball. San na ba yung Ashtria na yun?

Lumingon-lingon ako sa paligid. Agad kong nahagilap sina Ashtria at Ashelie na naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Hay, sa wakas naman. Hindi ko na sila inantay na makalapit sakin, ako na mismo ang lumapit sa kanila.

"Ashtria!" tawag ko sa kanya. Napatigil ako nang mapansing hindi nila kasama si Xainna. "San si Xainna... bat di nyu kasama?" mukhang hindi ata nila nakita dun. Sabi ko na nga ba, mukhang nakaalis na yung babaeng yun.

"Nagsayang lang pala kayo ng energy na pagpunta dun! Wala naman kayong napala" sabi ko pa pero ni isa sa kanila, walang nagsalita. Nangyari sa dalawang toh?

Nakatulala lang si Ashtria, habang si Ashelie ay nakatungo. Mukhang may problema tohng magkapatid na toh ah. Parang di man lang nila ako napansin. Kahit nagsasalita na ako.

"Hoy! Ashtria! Naririnig mo ba ako?" kumaway kaway pa ako sa harap niya. Pero ang gaga, nakatunganga pa rin, di man lang ako napansin. Nawawala na ata toh sa katinuan.

Kaya ang ginawa ko ay malakas akong pumalakpak sa harap niya. Napaiktad naman siya sa gulat.

"Ano ka ba naman Necky! Aatakihin ako sa puso ng dahil sayo eh." reklamo niya. Napahawak pa siya sa dibdib.

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Bat masyado kang tulaley dyan?" muntik na ngang pasukan ng langaw bibig niya kanina. Buti nalang naagapan at napabalik ko siya sa kasalukuyan.

"A--ako? nakatulala?"

"OO! kanina pa nga ako dito nagsasalita eh... hindi mo man lang ako napansin tyaka nitong si Ashelie!"

Napaangat ng tingin si Ashelie. "Napansin naman talaga kita ate Necky... a-ayuko lang magsalita!" bumalik ulit siya sa pagyuko. Hindi ko sila maintindihan sa totoo lang. May nakain ata silang panis eh, para silang sinapian ng kung anong kaweirduhan.

"May nangyari ba dun sa pinuntahan nyu? Ang weird na kasi ng mga kilos nyu." napaangat ulit ng tingin si Ashelie.

Ibubuka na sana niya ang bibig para sumagot nang bigla siyang mapatigil at tumingin kay Ashtria pagkatapos ay yumuko ulit.

"Wala naman Necky! Hindi lang namin nakita si Xainna dun... yun lang" si Ashtria ang sumagot.

"Eh bat kayo natagalan?"

"Ahh... ano kasi... ahm... b-binilang pa kasi namin yung step namin... kung... kung ilang step yung layo ng sh building dito sa may entrance... p-para... alam mo na... m-madetermine natin kung ilang minuto ang gugugulin natin para sa bilang ng metrong lalakarin natin... oo tama! yun..." anudaw? Sa lahat ng sinabi niya, yun ata ang pinaka hindi ko naintindihan.

"Ewan ko sayo Ashtria! Tatanda ako ng mabilis sayo eh! Tara na nga lang at kanina pa ako nagugutom! Baka di pa matuloy yung paglibre mo sakin eh!" kanina ko pa naman yun inaantay.

Bahala na si Xainna sa buhay niya. Malaki na siya... kaya naman seguro nung umuwi mag-isa.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa, sabay hawak sa magkabilang braso nila. "Tara na!" sabay hila sa kanila.

"Teka lang! Pano si Xainna?"

"Antayin nalang nating magreply siya sa text natin... then papupuntahin nalang siya dun sa dating tambayan natin!" suhesyon ko na agad naman niyang sinang-ayonan.


Love At First DoseWhere stories live. Discover now