Chapter 16: Damit

8 1 0
                                    


Damit

Ashtria's POV

Biglang huminto ang sasakyan. Napalingon ako kay Phyzer at sa paligid. Nasa Supermarket na ata kami. Anong gagawin namin dito? Napalingon ako kina Luke, Meghan at Jack nang lumabas sila ng sasakyan. Akmang lalabas na din sana ako nang pigilan niya ako.

"Where are you going?"

"Hindi pa ba tayo nakara--"

"No! stay here!" hinila niya ako paupo ulit.

"Ano ba yan! San ba kasi tayo pupunta?" kala ko nakarating na kami sa kung san man ako dadalhin ng damuhong toh, di pa pala. Wag niyang sabihin na sa ice cream shop na naman. Kasi kung dun idi ayos lang sakin, basta ba ilibre niya ako ulit ng ube ice cream. Hindi talaga ako tatanggi, hehe.

Tiningnan lang niya ako pero hindi siya sumagot. Aba, nabingi na ba tohng lalaking toh.

"Hoy! Tinatanong kita." inis kong sabi.

Nag-eks yung kilay niya. Bumaba ang tingin niya sa suot kong short na medyo maiksi.

"Bat ba ang hilig mong magsuot ng maiiksing damit?" inis na tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay sabay baba ng short na suot ko.

"May problema ka ba sa suot ko?" desinte namang tignan ah. Problema ng lalaking toh?

"Tsk... ang panget! Di bagay sayo." Aba! aba! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh sa dito ako komportable eh. Tyaka bat ba nangengealam ka?" pati ba naman damit ko pinakikialaman niya.

"Kasi ang panget tignan! Lalo kang pumapanget sa paningin ko."

Aba! Grabi naman siya! Nakakasakit na siya ng damdamin. Maganda kaya ako. Oo maganda ako, sabi ni Necky at Xainna. Hmp.

"Idi wag mokong tignan! Kung makapanglait naman toh... kala mo naman kung sinong gwapo!" inirapan ko siya.

"Gwapo naman talaga ako!" ay ang galing. Ang taas ng self confidence... daig pa ang Mt. Everest.

"Ah talaga! Saang banda ba? Wala akong mahagilap na kagwapohan sa mukha mo eh! Pero hangin, marami." alam ko sa sarili kong lie yung sinabi ko. Gwapo naman talaga siya. Pero gusto ko siyang asarin, baka naman papanget yung mukha niya pag asar na asar na siya. Malay nyu may chance diba?

"Tsk... alam kong nagwagwapohan ka sakin halata naman sa tingin mo eh... pinagnanasahan moko!"

Nanlaki ang mata ko.

"Ano? Ikaw, Pinagnanasaan ko? Eww... ayuko ngang nakikita pagmumukha mo eh. Tyaka hindi kita crush noh, kaya bakit kita pagnanasahan?" sinamaan ko siya ng tingin.

Akala ko sasamaan din niya ako ng tingin pero nagulat ako ng bigla nalang siyang ngumisi sabay lapit ng mukha niya.

"Kung di moko crush... sino crush mo?" mahinang sabi niya. Halos naaamoy ko na yung hininga niya. At parang maduduling na rin mata ko sa sobrang lapit niya.

Tinry ko siyang itulak para makasagot ng maayos, pero putspa di ako makagalaw. Bat kasi ang lapit niya?

"W-wala ka na dun." sabi ko.

Nawala ang ngisi sa kanyang labi, lumayo na siya sakin nang marinig na bumukas ang pinto sa likod at pumasok doon sina Luke.

"Yung pinabili ko."

"Andun na sa compartment ng kotse." sagot ni Luke pero sakin siya nakatingin.

"Ang pula ng mukha mo Ate Ashtria ah! May nangyari ba?" napalingon ako kay Jack. Nakatingin din siya sakin pati si Meghan.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now