Chapter 2: Pfizer

19 4 1
                                    


Pfizer

Ashtria's POV

Kanina pa kami nakaupo habang matyagang nag-aantay na matawag ang pangalan namin.

Hayss

Ilang oras na ba kaming nakaupo dito? halos mamumuti na mata namin sa kahihintay.

At saka parang napapaso na yung pwetan ko, kaya tumayo nalang muna ako at tinanggal pansamantala ang face mask ko.

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Necky sakin.

"Tatayo lang ako... ang sakit na ng pwet ko."

Initstretch ko ang likod ko.

Grabe... dinig na dinig ko talaga yung pag pop ng buto ko.

Nakita ako ni Necky kaya ginaya din niya ako, inistretch din niya ang likod niya.

Si Ashelie naman busy sa selpon.

Hayss... bat ba di ko nadala selpon ko? may mapaglilibangan sana ako ngayon. Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko tuloy.

Isinuot ko nalang uli ang mask ko tyaka umupo nalang pabalik.

"Aytss... antagal naman!" reklamo ni Necky. "Oh... san na naman si Ainna?" Oo nga nohh, kanina pa siya wala ahh, tas bigla bigla susulpot tapos biglang titili na parang baliw tas aalis na naman ulit.

Medjo weird siya hah.

"Lumabas, sabi niya bibili siya ng snacks." kibit balikat na sagot ni Jack. Parang di siya sure ahh.

"Weyt anong oras na ba?" takang tanong ko, medjo nagugutom na ako ehh.

"11:30" si Ashelie ang sumagot.

"Tara kain muna tayo... gutom na ako!" yaya samin ni Necky na agad ko namang tinanguan.

"Segi! nagugutom na rin ako...konti lang nakain kong agahan ehh" buti nalang may dala akong pera.

"Segi! tara na"

"Teka!" pigil ni Ashelie sabay kalabit niya kay Jack. "Hoy Jack! hindi ka ba sasabay samin?"

"Mauna nalang kayo... sunod nalang ako." sagot naman niya habang ang mata ay busy sa selpon.

"Okay... may ipapabili ka ba?"

"Bakit? lilibre moko?" ngising sagot niya.

"Hindi noh! ako yung bibili pero syempre ikaw magbabayad!"

"Damot naman! sayang... nagugutom pa naman ako"

"Hays... oh segi na nga! ako na magbabayad... so ano nga?"

"Kahit ano! basta bigay mo, syempre tatanggapin ko"

"Oo nah! segi na! aalis na kami!"

"Segi... ingat Asheko...labyou!" ngumuso pa siya at kumindat.

Aba! kumindat pa talaga. Tiningnan ko ang reaksyon ni Ashelie. Umirap lang siya, at may binulong.

"Labyou your face!"

"Naku ikaw Ashelie ah! pagdating talaga sa kanya... nawawala yung ugali mong madamot eh noh!" tukso ko sa kanya.

Samantalang sakin, mangungutang lang ako ng singko pesos, andami na niya agad dahilan.

"Che... magtigil ka nga ate!" inirapan niya ako at nauna nang maglakad. "Hindi ba pagmamagandang loob tawag dun?"dugtong niya pa.

"Sus! sabihin mo nalang kasi na may crush ka sa kanya"

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko nalang din siya kinulit.

Pumunta kami sa may malapit na karenderya dun sa vaccination site at duon nalang kumain.

Love At First DoseOnde histórias criam vida. Descubra agora