Chapter 9: Modules Distribution 2.0

4 1 0
                                    


Modules Distribution 2.0

Ashtria's POV

Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana.


Pero nabaling ang tingin ko kay Mang Tope na nagdadrive sa unahan, nakatingin siya sa unahan kapag kuwan ay pasulyap sulyap siya sa mga pasahero niya sa may front mirror, para malaman kung ayos lang ba sila.

Dumapo ang tingin sakin ni Mang Tope kaya nginitian ko siya at nag thumbs up ako. Tumango naman siya at binalik na ang tingin sa pagdadrive.

Btw, regular na pasahero na kami ni Mang Tope, kaya naman close na kami sa kanya. Napakabait din kasi niya at maalaga, para na rin namin siyang pangalawang tatay. Medyo may kaedaran na din siya pero anlakas lakas pa rin ng katawan niya.

"Oh mga ijah! andito na kayo sa distinasyon nyu!" sigaw ni Mang Tope. Huminto na din yung sasakyan. Andito na pala kami. Di ko namalayan ah.

"Ashelie yung pera!" ang tinutukoy ko ay ang pamasahe.

"Nagbayad na ako ate kanina pa!" naglakad na si Ashelie pababa. Sumunod naman sa kanya si Xainna.

Napalingon ako kay Necky.
"Necky! Tapos mo na ba yan?" inaayos na niya ang modules ko, sinilid niya iyon sa may folder.

"Tapos na po mahal na Prinsesa" inirapan niya ako sabay abot niya sakin ng modules at nauna na siyang maglakad. Hindi halatang badtrip siya ah.

"Oyy antayin nyu ko!" mabilis akong sumunod sa kanila pababa. Nang makalabas na kami ay bumungad samin ang malaking gate ng school. May mga nabibilang na taong naglalabas masok dito.

"Tara na!" hinila ako ni Necky papasok ng gate.

Nang makapasok na kami ay agad kaming nagtungo sa building kung saan namin isasauli ang modules namin. Sa fourth year highschool building kami pupunta. Habang si Ashelie naman ay hihiwalay muna samin, sa 3rd year building ang tungo niya.

"Wait! Ashelie! pedeng ikaw nalang din ang magsauli nito? Tinatamad akong pumunta dun." may inabot si Xainnang modules kay Ashelie, kay Jack ata yun. Magkaklase kasi sila ni Jack.

"Sure ate Xainna! Punta nalang din ako sa room nyu pag natapos ko na tohng masauli!"

Tango lang ang reply namin. Agad naman siyang mabilis naglakad papuntang room niya.

Nagpatuloy nalang din kami sa paglalakad papuntang pangalawang room sa may second floor ng building kung saan dun ang room namin. Pagdating namin dun ay wala si Ms Parrot, pero nakabukas naman yung pinto kaya pumasok nalang kami. May nakita kaming estudyante duon, kaklase ata namin. Tinanong namin sa kanya kung asan si Ms Parrot.

"Pumunta si Ms Parrot sa office niya... may kukunin lang daw siya." sagot nito.

"Ahh segi... salamat!" sabi ni Necky. Nagtaka ako nang bigla siyang naglakad palabas ng room.

"Necky! Where are you going?" tanong ni Ai.

"Pupuntahan ko lang si Ms Parrot! dyan lang kayo." agad siyang patakbong umalis. Okay.

Naupo nalang din kami ni Xainna sa mga chairs doon.

May kinakalikot si Xainna sa phone niya habang ako ay humilig nalang sa armchair ng upuan.

Habang nag-aantay kay Ms Parrot ay biglang dumating si Ashelie sa room.

"Ate! Tapos na ako!" hinihingal niyang sabi. Ang bilis naman.

Pumasok si Ashelie tyaka tumabi siya samin at ipinatong ang kanyang folder sa armchair ng unuupuan niya.

"Bat ka hinihingal? Tumakbo ka ba?" tanong ko sa kanya.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now