PAHINA 2

177 14 1
                                    

#SOTPKakaibangMundo

AMANDA's POV

NAPADILAT ang bilugan kong mga mata nang may maamoy akong hindi kaaya-ayang usok. What's that? Binalak kong umupo kaya lang ay mahina pa ang katawan ko. Ano bang nangyari sa akin?

Naramdaman ko rin ang noo ko na parang mabigat, kaya naman ay kinapa ko ito at napakunot ang noo ko nang may nahawakang dahon. Hindi lang basta-bastang dahon, halamang gamot.

"Sandali, Binibini. Hindi pa malakas ang iyong katawan. Huwag mong pilitiin ang iyong sarili," mahinahomg sabi ng isang lalaki sa tabi ko.

Nakasuot siya ng coat and tie na brown. Brown din ang suot niyang pantalon at naka-black leather shoes. Mayroon siyang suot na salamin sa mata, sign na ito na malabo ang kaniyang mata at nakasuot din siya ng sumbrero. Wow naman bakit parang ang formal ng attire niya?

"Sandali rin. Sino ka ba?" Tatayo sana ako ngunit napahiga rin ako dahil sa mabigat pa ang ulo ko. "Aray! Sakit ng ulo ko ah!" Reklamo ko.

"Binibini, huwag mo nang ipilit pa lalo't hindi mo pa talaga kaya. Bakit hindi ka muna magpahinga?"

"Bakit hindi ka rin muna magpakilala?" Pambabara ko at inirapan siya. "Tsaka, tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-Binibini mo! Ang corny mo! Sabihin mo na lang din kung bakit ako nandito!"

Kumunot ang noo niya. Hala ang cute! Pero di ako magpapadala sa ganiyan, jusmiyo! "Corny? Siya nga pala, ako si Joven Hernando, ang iyong lingkod."

"Anong lingkod ka diyan? Nasaan ako?!" Sigaw ko sa kaniya kasi kahit cute siya, nakakainis na siya. 'Yung pananalita niya, 'yung mga tingin niya, yung pagiging mabait niya. Lahat na!

"Anong ingay ito? Amanda! Tila ba'y hindi ka babae sa iyong pananalita. Ikaw nga'y kumalma," sabi naman nung matandang girl na may hawak na kaldero. Nang tumingin siya sa mata ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil familiar siya.

"Confirm! Ikaw 'yung matandang tinulungan ko hindi ba? 'Yung nahimatay sa daan po?!" Kahit pasigaw ang pagkakasabi ko no'n ay ginawa ko itong magalang.

"Confirm?" Sabat ni Joven, nakakunot pa rin ang noo niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakakaaburido na siya.

"Oo, Hija. Ako nga. Maligayang pagdating sa taong 1898. Hayaan mo akong pormal na magpakilala sa'yo."

"Ha? 1898?" Napalingon ako sa paligid ko at halos mahimatay na ako sa gulat nang mapansing mukhang sinauna nga ang bahay na ito. Kawayan lang ito at maliit lang talaga. Parang... bahay-kubo? "Eme niyo po, Nay! Baka nasa probinsya lang tayo ah? 1898? Hindi po ako bata para mauto."

"Eme?"

"Ano ba? Nanggigigil na ako sa'yong Hoben ka!" Dinuro ko siya. Napaatras si Joven sa akin at hindi na napalingon. Nakatayo kasi silang dalawa ni Nanay at nagkataon namang naiinis na ako sa patanong-tanong niya. Tanga ba siya?

"Joven, sige na't magtungo ka na sa iyong paroroonan, ako na ang bahala sa kaniya," mahinahong sabi ni Nanay habang nakatingin kay Hoben. Tiningnan naman ako ni Joven bago tumango sa matanda at tuluyang umalis.

"Sino po ba siya? Bakit parang wala siyang alam?!" Inunahan ko nang magalit si Nanay dahil baka pagalitan niya ako sa kabastusang taglay na ipinakita ko kay Joven. Hindi ko talaga siya nanay ah? Nanay lang ang tawag ko kasi... feeling close ako!

"Amanda, huwag kang magsasalita ng ganiyan sa iyong kapwa. Mali ang iyong pakikitungo sa kaniya," seryosong sabi niya at bumuntong-hininga.

"Siya nga po pala, bakit niyo ako kilala? Hindi naman po tayo magkakilala ah? Ang alam ko lang po, ikaw 'yung tinulungan ko at bukod doon ay wala na."

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon