Gregorio Del Pilar III

43 1 0
                                    

Sa buhay ko, marami na aking nakilalang iba't-ibang binibini
May mga mahihinhin, puro kung umibig, may mga banal, at marami ring mga mapagpanggap.
Kaya lang, mayroon pa akong nakilalang isang binibini na hindi ko mawari ang ugali.
Kung minsan ay mabait siya, madalas arogante, kung minsan naman ay maalaga, madalas nakikipag-away.
Noong una'y litong-lito ako sa kaniya, hanggang sa matukoy konna ang ugali niya.

Mabait siya, hindi lang niya masyadong pinapahalata,
Hindi siya arogante, kampanti lang siya sa kaniyang sarili at alam niya ang mga karapatan niya.
Maalaga siyang tunay, hindi lang dahil trabaho o misyon niya iyon. Bukal iyon sa kaniyang kalooban.
Ang pakikipag-away niya sa akin ang paraan ng kaniyang paglalambing.

Oo, siya'y kakaiba. Siya si Nerissa Amanda Saldivar.


Habang mas matagal kong nakakasama si Remedios, mas lalo ko siyang nakikilala. Masasabi kong siya nga ang aking tipo. Malayong-malayo siya kay Amanda. Hindi ko nga alam kung bakit naisip ko noon na may kung ano akong naradamdaman kay Amanda. Marahil ako'y nagulat lang sa kaniyang ikinikilos.

"Heneral, may naghahanap sa iyo," sabi ni Juan na kasalukuyang nasa pintuan. Ako'y nasa loob ng aking opisina at nag-iisip ako ng kongkretong plano kung paano kami mananalo sa susunod na laban.

"Papasukin mo," simpleng saad ko. Si Remedios pala ang kaniyang tinutukoy kaya binitawan ko ang mg hawak kong pangtantos sa isinulat kong plano. "Remedios! Ikaw pala!" nakangiting bati ko.

"Nagdala ako ng tinolang manok. Baka kasi ay nagugutom na kayo. Bueno, mahirap maging bayani ng bayan," saad niya habang nakayuko. Hindi niya kayang tumingin sa aking mga mata kaya naman lihim akong napapangiti.

"Ika'y nag-abala pa. Nakakahiya naman sa isang binining gaya mo, ngunit salamat," sinserong sagot ko. Nanatili siya sandali sa aking opisina hanggang sa magtakip-silim. Nagpaalam na siya dahil tiyak na siya'y hinahanap na ng kaniyang ama.

Babalik na sana ako sa aking ginagawa bago dumating si Remedios ngunit may panggulong marahas na kumatok ng limang beses.

"Tao po, may ulam ba riyan?" Nakangiting sabi ni Amanda habang siya'y nasa pintuan pa. Pinandidilatan niya rin ako ng mga mata na para bang nagbabanta ngunit nakangiti pa rin.

Ngumiwi ako, heto na naman ang babaeng ito. Sa palagay ko'y alam na niyang mayroon base sa kaniyang ngiti. "Ano ba sa iyong palagay?"

"Sa palagay ko, mayro'n! Galing dito si Remi eh! Bigyan mo na 'ko! Bilisan mo na nagugutom na akes!" Mayabang na sabi niya at dumiretso na sa loob.

"Umayos ka nga. Señorita ka ba?" Napipikong sabi ko ngunit kinuha pa rin naman ang mangkok na dala niya at sinandukan ng tinolang dala ni Remedios.

"I love it when you call me, Señorita~" napakanta pa siya, hindi nga mawari ang kaniyang sinabi. Señorita lang ang naunawaan ko. "Hindi! May Señorita bang nanggagamot sa mga palpak na sundalo riyan sa labas? Hoy! Sabihan mo nga 'yang mga tauhan mo! Nagpapractice pa lang, mga palpak na! Ang daming mga sugatan napagod ako! Mabuti na lang talaga at to the rescue ako kung hindi mga dedo na sila! Ano na lang ang gagawin ng grupo niyo kung wala ako?!" Pagmamayabang niya sabay higop ng sabaw. Ang ingay pa niyang kumain kaya napangiwi na naman ako. Ang babaeng ito talaga! Hindi ko maunawaan ang ilan sa sinabi niya ngunit malinaw na ang hangin na naman niya.

"Ika'y kumain na nga nang manahimik na ang maingay mong bunganga," payo ko at tinalikuran na siya upang pagtuunan na ng pansin ang aking plano nang maayos sana, ngunit hindi iyon nangyari sapagkat napaka-ingay ni Amanda at hindi niya kayang manahimik kahit na ilang beses ko na siyang pinatahimik.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon