VOLUME 2 PAHINA 16

83 2 0
                                    

#SOTPVolume2

Walang nangyari sa usapan ni Heneral Tiño at ni Goyo kaya ang hukbo lang nila Goyo ang naglakbay kasama ang mga dating hukbo ni Heneral Luna. I can feel the tension between them pa nga eh kasi wala silang tiwala sa iba pang mga sundalo dahil sa nangyari kay Heneral Luna. Maybe they thought, kahit ang mga Pilipino ay kalaban na rin.

"Napakabastos talaga ng Alejandrinong iyan!" Salubong sa akin ni Goyo matapos nilang makausap ang heneral na matalik na kaibigan daw ni Heneral Luna. Nangyari ito bago pa kami maglakbay.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko. Nasa labas din kami dahil anumang oras ay maglalakbay na kami. Ang akala ko pa nga'y dadami pa ang mga sundalo ngunit hindi sila nagkasundo.

"Kinakausap namin siya ng presidente kanina, tapos ay nakahiga lamang siya! Napakabastos! Ang kapal ng kaniyang mukha!"

"Hayaan mo na at may karma rin ang hayop na 'yun. Ang dapat mong gawin ngayon ay magfocus ka sa mga tao mo. I mean ituon mo ang atensyon mo sa mga tao mo at maghanda kayo para sa pakikidigma," simpleng sabi ko at hinawakan ang braso niyang matigas na parang bato. "Ang ating misyon ay ang mapalaya ang Pilipinas."

I mean it. Hindi lang ito basta makalaya sa mga kolonyalismo ngunit sa lahat ng aspeto. Gusto kong maging malaya ang bansa laban sa mga krimen, korapsyon, masamang gawain, droga, at marami pang iba. Habang nandito tuloy ako, nagkakaroon ako ng inspirasyon at ng goal.

Ngumiti na lang si Goyo at tumango. Naisip niya sigurong tama ako. May biglang tumatakbong dalagitang tumawag kay Goyo. Akala ko ay babae na naman ni Goyo ngunit si Dolores pala, ang kapatid ni Remedios.

"Heneral!" Tawag niya at nang huminto siya sa amin ay hinihingal pa siya. May iniabot siyang sulat kay Goyo. May ribbon pa itong pula at ang linis tingnan ng papel. "Pinapaabot sa'yo ni Ate."

Napasnap ako nang maisip ko si Remedios at ang pamilya niya. "Oo nga pala! Ang ate mo! Kayo, mag-impake na rin kayo! Hindi na ligtas dito."

Umiling siya. "Hindi maaari, Binibini. Narito ang aming buhay at ang aming bahay. Anuman ang mangyari rito ay hindi namin iiwan ang lugar na ito. Dito kami ipinanganak kung kaya't dito na rin mamatay kung kinakailangan."

"Huy ano ka ba! Don't say that word!" Sita ko sa kaniya, napakunot tuloy ang noo niya dahil English ang sinabi ko. "Tiwala lang! Walang masamang mangyayari sa inyo. Ang mabuti pa'y samahan mo ako sa inyo. Nais kong makita si Remedios bago kami umalis."

She's a friend kahit na minsan, parang tinatarayan ko siya sa isipan ko dahil sa hindi malamang dahilan ay hindi ko pa rin makakalimutan ang pagkakaibigan naming dalawa.

Tumango si Dolores. "Pumapayag ako ngunit may nais lamang akong sabihin sa heneral," tumingin siya rito. "Ang sabi ni Ate ay mag-iingat ka raw. Sa iyong pagbabalik ay handa na siyang magpakasal sa iyo. Halina, Binibining Amanda."

Napatingin ako kay Goyo nang sabihin iyon ni Dolores at nang magawi ang mga mata ko sa kaniya ay napatingin siya sa akin na para bang pinagmamasdan ang reaksyon ko. Tinalikuran ko na lang siya dahil ayaw kong pagmasdan niya ako.

Parang nanghina rin ako sa sinabi ni Dolores kahit wala namang nakakapanghina roon. That's the goal, Manda, kailangang makabalik nang buhay si Goyo. Sa pagbalik niya, anuman ang mangyari sa kaniya ay wala ka na roon dahil babalik ka rin naman sa iyong present life.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon