PAHINA 30

92 4 0
                                    

#SOTPPaalamSalamat

Never thought that we would end this love story this way
-Amanda

"GOYOOO!" Sigaw ko na may halong pagluluksa, galit, poot, at panghihinayang. Niyakap ko ang katawan niya kahit na mainit ito dahil sa matinding pagsabog. Ang katawan niya lang ang mainit na bangkay dahil sa nangyari sa kaniya. "Hindi! Hindi pwede 'to! Ikamamatay ko!"

Ang eksaherada ko sa part na 'yon, as if namang magkakatuluyan kami pero ikamamatay ko nga kapag tuluyan nga siyang namatay nang hindi ko naililigtas. Ano pang silbi ko rito? Bakit pa ako nandito kung sa huli, mamamatay lang din pala siya. Parang nawalan nang saysay ang ilang buwan at halos isang taon kong pamamalagi rito.

Pero hindi lang 'yan ang iniisip ko. Ang taong mahal ko, ang taong dapat kong iligtas ay hindi ko nagawang iligtas. Hindi lang ito basta about sa mission ko, kung hindi about din ito sa taong mahal ko! Siya nga, ginagawa niya ang lahat upang matiyak na nasa mabuting kalagayan ako kahit na sa gitna ng kaguluhang ito tapos ako, walang magagawa? Nakakap*t*ng*n* naman! Siya nga walang kapangyarihan eh, ako mayroon talos walang nagawa!

"Amanda, kailangan na nating lumisan! Walang ititirang buhay 'yang mga Amerikanong iyan! Sa oras na magtungo ya'n rito at maabutan tayo, tiyak na papatayin tayo niyan dito," natatarantang sabi ni Vicente habang patuloy pa rin ang paghahagulgol ko.

"Hayaan niyo na ako, susunod na lang ako. Ililigtas ko si Goyo-- huwag! Huwag nga kasi, ano ba!" binuhat na ako ni Vicente dahil ayaw kong magpaawat. Naiintindihan kong concern lang siya sa akin, pero siya, hindi niya ako naiintindihan and that's what makes me crazy. "Mamatay si Goyong kapag iniwan ko siya!"

"Amanda, masakit man, pero patay na siya," sabi niya. Patuloy pa rin ang pagpupumiglas ko sa kaniya. "Ikaw, kung magpapaiwan ka roon ay mamamatay ka rin."

"May magagawa pa ako!" Sigaw ko sa kaniya kahit na niloloko ko lang din ang sarili ko. Malay ko may pag-asa pa o 'di ba? Mas mainam talagang maiwan ako sa tabi niya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Wala ka nang magagawa at ikamamatay mo kapag ika'y nanatili pa-- aray!" Napasigaw siya sa sakit nang suntuk-suntokin ko ang pagmumukha niya.

"Pasensya na pero pakawalan mo na'ko," pakiusap ko at bigla na lang niya akong binitawan dahil siguro sa sobrang sakit na naramdaman niya.

"Huwag mong sabihing hindi kita iniligtas, 'pag ika'y napahamak. Kung iyan ang desisyon mo, bahala ka na," iyan na lang ang sinabi niya at tumakbo na paalis. Mayroon siyang nadaanang sundalong naghihingalo kaya naman agad niya itong ipinasan. Si Vicente ay tunay na mayroong gintong puso at napakabuti.

Si Julian ay hindi ko alam kung saan na. Nag-aalala rin ako sa kalagayan niya ngunit mas dapat kong unahin si Goyo dahil sigurado akong hindi siya okay ngayon.

"Amanda! Bilisan mo, iligtas na natin ang heneral!" Sigaw ni Joven. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naroon pa siya. Kanina nga'y binuhat na niya ako paalis at tila kinukumbinsing umalis na ako at iligtas na lang din ang sarili.

"Talaga? M-maililigtas pa niya si Goyo?" Nakatulalang sani ni Julian na nasa tabi niya at nakatitig kay Goyo na para bang wala sa sarili.

"Oo, kaya umalis na kayo riyan," hinawi ko sila dahil harang sila sa daraanan ko. Nakita ko si Goyo, sunog na sunog at tila wala nang pag-asang mabuhay. Kahit hindi sigurado ay sinubukan ko pa ring pagalingin siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at taimtim na nanalangin, umaasa sa himala. Kinapa ko ang pulso niya, hindi pa rin ito tumitibok kaya kinabahan na ako. Ilang minutong nagtagal nang ganoon hanggang sa dumating na ang mga Kano sa lungga namin.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon