PAHINA 3

152 10 1
                                    

#SOTPWrongMove

AMANDA'S POV

"B-binibini..." sabi niya bago malagutan ng hininga.

Chariz! Hindi pa. Naghingalo muna siya tapos napaluhod. Oh my god! May dugo na siya sa sikmura. Napatakip ako sa bibig at nag mala-Karen Davila sa gulat.

"Oh my god! Easy ka lang Joven! Gagamutin kita, wait!" Nakadalawang hakbang na ako para maghanap sana ng pwedeng ipagamot kay Boss Joven kaso nakalimutan ko kung ano talaga 'yung plano ko.

Ayan ha! Nataranta yarn? Nakalimutan agad?

Ngumiti ako at lumapit kay Joven. "Easy ka lang, I got your back." Sabi ko sa kaniya habang nakahawak sa sikmura niyang duguan.

To be honest, hindi ko alam kung paano ko siya gagamutin. Yes, I am a nursing student pero kasi iba itong ginagawa ko ngayon. Gagawa lang ako ng himala? Magpapagaling daw ako.

Kailangan ba ng orasyon?

"Mahabagin, gagaling-gagaling 'yang si Joven! 'Pag hindi, 'pag hindi edi don't. 'Pag hindi, 'pag hindi edi deads," sabi ko na parang nag-oorasyon at nilagay ang dalawang kamay sa sikmura niya. Para akong nagrarap dito na nag-oorasyon.

Gumaling kang hinayupak ka ayokong makulong!

"Diyos ko! Amanda!" Malakas na sigaw ni Inang Katarina ang nagpaingay sa buong kawayang bahay. Agad-agad siyang lumapit sa amin ni Joven. Tinulak pa nga ako ni Inang nang very light para macheck niya 'yung kalagayan ni Joven kaya naman napahiga ako sa sahig. "Papatayin mo ba si Joven?!"

"Aray naman!" Kumunot ang noo ko. Kahit very light lang kasi 'yung pagkakatulak, tumama ako sa sahig since nakaupo lang ako. "Gagamutin ko pa sana."

Tumayo na agad siya at kumuha ng mga halamang gamot at may kinuha rin siyang langis. Ipinahid niya iyon sa parte kung saan ko sinaksak si Joven.

"Kailan pa naging paggagamot ang pananaksak?"

"Paano ko naman po siya pagagalingin kung wala naman siyang sakit o karamdaman?"

Napakamot sa ulo si Inang Katarina. May kuto yata. "Hindi ka talaga maubusan ng dahilan. Mabuti pa't lumabas ka na muna upang mapagaling ko na siya agad. Mamaya na tayo mag-usap."

Dahil sa takot na baka magsuper science si Inang Katarina, lumabas na agad ako at patakbo pa. S'yempre 'no! Natatakot din baka madeads talaga si Joven. Hay nako! Naging instant killer na agad tuloy ako.

So para naman makasagap ako ng fresh air at makapag-isip din ako nang maayos. Naisip ko lang, bakit kaya hindi ko napagaling si Joven? It means hindi naman pala totoo 'no? Sabi na eh! Panaginip lang yata ito. Medyo umasa pa naman ako na sana totoo kasi gusto 'yung price, 'yung gantimpala na babalik ako sa past tapos ililigtas ko si Mommy.

Napatingin ako sa maingay na kalsada kung nasaan ako. Maingay dahil may kani-kaniyang ginagawa ang mga tao na nakasuot ng makalumang outfit dito sa Pinas. Ang ganda pala ng fashion style ng mga noypi dati. Napangiti ako nang bahagya. At some point, masaya ako dahil naexperience ko ito. Panaginip man or totoo, swerte kong nagtime travel ako.

Nasa kabihasnan yata ako o bayan kasi maraming tiangge, may mga bilihan ng mga manok, baboy at gulay, mga bilihan ng damit at marami pang mga pamilihan. May palengke pa sa loob. Nasa bayan yata ako ng--

Oh my god I realized something! Hindi ko alam kung nasaang lupalop ako ng Pinas! I just know that I am in the past, but I don't know where exactly I am.

"Tabi! Tabi! Dadaan ang heneral!" Sigaw ng isang nakauniform na lalaki, baka isa siya sa mga sundalo sa panahong itey. Ay hala oh my! I didn't realize na makakaharap ko ang mga kagalang-galang na mga bayani natin. Sino nga ulit 'yung sinabi ni Inang Katarina?

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon