WAKAS

55 5 0
                                    


Year 2024

NANG imulat ko ang mga mata ko, nakasisilaw na liwanag ng ilaw ang bumungd sa akin kaya bahagya akong napapikit. Narinig ko ang malakas na sigaw ng isang babae sa tabi ko.

"Oh my god! Nurse, kindly call Dr. Ranz! My daughter is already awake!" sabi ng nasa tabi ko. Nang nilingon ko siya ay pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"M-mommy?" hindi ako sigurado, pero iyon ang nararamdaman ko.

"Yes, Anak. I'm your mother. I'm glad you remember me," nakangiting sabi niya kahit sa totoo lang ay hindi ko rin naman siya maalala. Kinutuban lang ako na siya ang nanay ko at dahil na rin siguro sa lukso ng dugo.

"I can't remember! I can't remember anything! Not even my name!" I shouted out of frustration. I held my head and continued to shout until the Doctor came. Even the doctor is familiar but I am not sure who he is. I just know his name because the nurse called him Dr. Ranz De Villa. I am so confused about what's happening right now that's why I shout and nagpupumiglas akonuntil mapagod, hanggang sa makatulog ulit. The nurse injects something that will calm me down.

"Tita Camille, may nakakita po kasi sa kaniya no'n sa street malapit sa university namin! Aba nakahandusay! Na-hit and run po siya! Pinapareview ko na nga po ang mga CCTV sa lugar na 'yon nang mapagbayad na ang salarin. Mahigit isang linggo na rin kasi!" Nagising akong muli nang marinig ang ang maingay na reklamo ng isang babae.

"Yeah! We should find that irresponsible driver! Anyway, Raya, Anak, thank you for your help. Ano ba kasing ginagawa ni Nerissa that time? Hindi pa masyadong maaga pa ang 5am para sa klase niyo?" Nagtatakang tanong ngayon ng mommy ko.

Nasa table sila ng room ko dito sa hospital. Doon, maraming fruits, and other kinds of food. Kumakain din sila ng fried chichen sa isang famous na fast food. Taimtim akong nakikinig upang maunawaan ang nangyayari sa akin.

So my name is Nerissa?

"Nagwoworking student po siya Tita sa isang convenience store! Hindi ko nga po alam diyan kung bakit niya po iyon ginagawa. Hindi po tuloy siya ngayon nakakapagfocus sa studies!"

Sino ba 'tong babaeng 'to? Is she my friend? Bakit parang nilalaglag niya ako sa nanay ko?

"Ewan ko ba riyan kay Nerissa! Nagwowork naman ako. Bakit kailangan pa niyang pahirapan ang sarili niya? She also has his dad! Well, he's willing to give her allowance, well that's his responsibility."

"Dadalaw po mamaya si Tito Amadeus 'di po ba?"

"Oo. Dapat lang. Ewan ko lang kung maalala siya ng anak niya."

"Po? Bakit po? May amnesia po ba siya?"

"M-mom..." pangingisali ko sa kanila dahil nauuhaw na rin ako. I need to hydrate.

"Gosh! Oh my gosh, Amanda!" Bigla akong niyakap ng babaeng kulot at morena. Halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng yakap niya. "Girl! Naalala mo pa naman ako, hindi ba?"

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon