PAHINA 11

89 4 0
                                    

#SOTPBilinNiInang

"May gusto ka ba sa kaniya?" Sa sinabi niyang iyon, natigilan ako. Doon ko lang narealize na parang ganoon na nga kasi lagi ko siyang hinahanap, gusto kong nasa tabi ko siya, tapos naiinis akong magkasama sila ni Remedios.

Posible kaya 'yon?

Yuck! Cancel that thought of yours! Hindi pwede at hindi ko rin naman siya type! Gusto ko 'yung Chinito o kaya naman ay European ganern.

Pero pag tinamaan ka, edi ouch, tinamaan ka.

"S'yempre wala! Tanga ka ba?"

Nakangiti siya noong una pero nang sabihan ko siyang tanga siya, nawala ito nang paunti-unti. Nanlaki pa ang mga mata niya dahil hindi niya inexpect na kaya kong sabihin iyon sa kaniya.

Well, expect the unexpected.

"Nakakagulat talaga ang iyong mga sinasabi, Binibining Amanda," hindi makapaniwalang sabi niya.

"Maganda eh," sagot ko kahit wala naman iyong connect sa sinabi niya. Gusto ko lang ipoint-out 'yung kagandahan ko. Ugali ko talaga 'no? Hindi man lang magsorry.

Well, hindi madaling magsorry.

Nang makita na namin sina Joven at Vicente, tumabi na kami sa kanila. Nasa bench silang dalawa at nag-aabang ng parada. May tatlong babae sa harapan nila. Si Vicente ay tawa nang tawa samantalang si Joven naman ay namumula.

"Bakit ka riyan tumatawa?" Natatawang sabi ni Julian kahit hindi pa naman niya alam kung bakit tumatawa 'yung isa.

"Nahihiya kasing lapitan ni Joven ang tatlong binibini sa ating harapan," Natatawang say ni Vicente.

"N-nasa kalagitnaan po tayo ng gyera," nauutal na sabi ni Joven.

"Ito ang totoong gyera," sabi ni Julian at nginuso ang tatlong babae sa harapan.

"Ang arte mo! Beki ka yata eh! Patunayan mong lalaki ka. Pakita mo kung sino ka!" pang-aasar ko kay Joven at tinulak siya papalapit sa tatlong binibini.

"Beki?" Sabay na tanong ni Julian at Vicente habang nakakunot ang noo nila.

"Beki as in bading!" Binali-bali ko pa ang kamay ko habang pinapaliwanag meaning ng beki pero mukhang walang effect kaya napairap ako. Bakit ang slow nila? "'Yung may gusto sa kapwa lalaki, gano'n!"

"Beki pala ang tawag sa ganoon? Hindi ba binabae?" Nagtatakang tanong ni Vicente kay Julian.

"Oo. Maaari ring silahis, ngunit ang beki? Hindi ko natitiyak," sagot ni Julian. Talagang pinag-usapan meaning ng beki ha? "Anuman ang tawag roon, patunayan mo sa aming hindi ka beki, Joven.

Wala naman siyang magawa kaua nilapitan niya na ang mga ito. Mahiya naman siya 'no! Sinabihan ko siyang beki. Sinusupladahan siya ng isang binibini, ngunit nakuha niya ang loob nito nang sabihin niyang kilala niya ang heneral.

Napairap ako. Lahat ba ng binibini dito may gusto kay Goyo? Hindi naman siya masyadong gwapo! I mean, gwapo siya pero hindi niya deserve na lahat ng babae may gusto sa kaniya. Tss. Ibahin niyo ako sa kanila.

Mas lalong nag-init ang dugo ko nang makita kong magkatabi sa harapan sina Remedios at Goyo. Nakaupo sila at nagtatawanan. Napailing na lang ako. Akala ko pa naman naiiba sa kanila si Remedios. Well, maybe may something kay Goyo kaya maraming nagkakagusto sa kaniya.


Hindi ko alam kung bakit naiinis ako at hindi natutuwa sa pista para kay Goyo kahit na nakakaenjoy naman ito. Imposible naman na dahil nagseselos ako kay Goyo at kay Remedios. Bukod sa wala akong karapatan, wala rin akong gusto kay Goyo. Yes, gwapo siya pero he's not my type talaga eh. Periodtt.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon