PAHINA 27

80 4 0
                                    

Sa kalagitnaan ng kaguluhan, ikaw ang aking kapayapaan
-Gen. Gregorio Del Pilar

"Halika rito!" Sigaw ni Remedios at marahas na sinabunutan ang buhok ko na para bang mabubutas na ang bumbunan ko. Patuloy pa rin sa pagsalit-salitan ng bala ang dalawang panig mabuti na lang at hindi ako natatamaan dahil hindi ko kayang gamutin ang sarili ko.

"Ouch! How dare you!" Maarteng sabi ko kay Remedios. Dahil doon ay sinampal niya ako. Namumuro na ang hayop na ito sa akin ah!

"Tumahimik ka nang bruha ka! Sumama ka sa akin at ilalayo kita kay Goyo!" Inis na sabi niya at agad na kinaladkad ako. Nagpupumiglas ako noong una, kaya naman sinikmurahan niya ako. I didn't expect her to be violent and to be this strong. Wala na ang mahinhing binibini sa kaniyang imahe. Wala na ang mala-Maria Clara niyang kabutihan o pagkatao. Tuluyan niya akong nakaladkad dahil wala naman na akong lakas.

"Eraño!" Tawag niya sa pinakamamahal niyang alalay. "Buhatin mo ang babaeng iyan at dalhin natin sa kagubatan. Siguraduhin nating mailayo siya kay Goyo. Kung hindi si Goyo mapapasaakin ay hindi siya mapupunta sa kahit na kanino lalo na sa imapktitang 'yan!"

"Sumosobra na 'yang bunganga mo sa akin ah! Pasabugin ko 'yan!" Pagbabanta ko sa kaniya. Grabe mixed emotions na ako rito. Noong una ay nagalit ako sa kaniya sa ginawa niyang ito, pangalawa ay nahihiya ako sa kaniya dahil pinamukha niya sa akin na kasalanan ko kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Goyo at trinaydor ko siya, tapos naawa ako sa kaniya dahil parang nababaliw na siya nang dahil kang sa lalaki, pero ngayon galit na lang talaga dahil I don't deserve this!


Tumakbo siya nang tumakbo at dahil hila hila niya ako ay napapatakbo na rin ako. Mahigpit ang paghawak niya sa akin at nasusugatan na ako ng mga kuko niya. Idagdag pa ang makailang beses kong pagkakatapilok.

"Aray! Ano ba, dahan-dahan naman," pikong sabi ko.

"Dahan-dahan? Kung iyon ang aking gagawin ay maabutan tayo niyan," inis na sagot niya habang tumatakbo.

"Iyon nga ang gusto ko," bulong ko.

"Amanda!" Narinig naming sigaw mula sa likuran kaya naman ginamit ko ang buong lakas ko upang lumingon sa likuran at magpumiglas kay Remedios. "Remedios, husto na. Hindi na tama ang iyong ginagawa."

"Wala akong pakialam!" Sigaw niya. "Goyo, kung ika'y hindi mapapasaakin, hindi ka mapapasakahit sino mang nilalang lalo na sa taong ito!" Sigaw niya. Tinapatan ako ni Remedios ng pistol, dala-dala niya ito kanina pa. "Ngayon, Goyo. Huwag na huwag kang magkakamaling lumapit sa amin kung ayaw mong pasabugin ko ang utak ng babaeng ito."

Nanginginig ang kamay ni Remedios habang nakatutok ang baril sa akin. Si Goyo naman, kahit madilim, kitang-kita ko ang tagaktak ng pawis niya. Nakikita ko rin ang paghabol niya sa kaniyang hininga. Tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa amin.

"Remedios, huwag mong gagawin iyan. Kilala kita at alam kong hindi mo gagawin iyan dahil mabuti kang tao at malinis ang 'yong puso. Kaya naman--" nagtangka siyang lumapit dahilan upang sumigaw si remedios at magpaputok ng bala sa kalangitan.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon