PAHINA 13

130 4 2
                                    

#SOTPNakakabahalangKapayapaan

Minsan, ako'y nababahala sa kapayapaan. Pakiramdam ko kasi ay may unas na mangyayari pagtapos nito. Gaya na lamang ng lindol.  Hindi ba ay kapag tumigil ito sandali ay lilindol muli at mas malala pa. Ito ang tinatawag na aftershock. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging lubusang masaya dahil nakakabahala na baka pagkatapos ng kaligayang ito ay mayroong hindi magandang mangyayari. Yes, I have cherophobia and I hope na someday mawala siya nang hindi ko namamalayan.

"Hindi ko alam kung gaano kasakit ang iyong pinagdaanan ngunit nais kong malaman mo na ngayon, hindi ka na nag-iisa. Nandito ako, para sa'yo. Kahit kailan, basta't ako'y iyong kailangan, basta't kailangan mo ng kaibigan, tawagin mo lamang ako at darating ako."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Kinikilig ba ako? I hope not, ayaw ko siyang maging crush. Agad kong tinapik ang dibdib ko ng dalawang beses.

"Ang cheezy mo naman, pero sige salamat," nakangiting sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"Cheezy"

"Ano cheezy 'yung..." tiningnan ko siya at ang hopeful ng tingin niya. Winiwish niya siguro na maganda ang meaning no'n. "Cheezy 'yung keso! Charot! Cheezy kapag sobrang magaganda 'yung mga sinasabi. Mahirap paniwalaan gano'n."

"Ganoon ba kaganda ang aking mga nasabi?" Napangiti siya. "Huwag kang mag-alala dahil totoo ang aking sinabi. Tayong dalawa ay magkaibigan-- pati sina Julian, Vicente at Joven ay iyong kaibigan. Lima tayong magkakaibigan."

Parang nafriend-zone ako ro'n ah? Keri lang di ko naman siya crush eh. Hindi ba, Amanda? Hindi 'no? Hindi! Hindi talaga! Ayaw ko.

Nang matapos 'yung simba ay nakita namin sa may labasan si Laviña at Remedios. "Ate Amanda!" Tawag ni Laviña. Napalingon kami sa kanila at nakita ko siyang nakangiti habang si Remedios ay seryosong nakatingin sa amin ni Goyo dahil magkatabi kami.

Lumapit sa kanila si Joven at 'yung tatlo kaya sumunod na lang ako sa kanila. Hindi maganda ang tingin sa amin ni Remedios at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Problema nito?

"Akala ko ba ay hindi ka palasimba?" Malamig na tanong niya. Daig niya pa si Elsa sa sobrang cold niya. Ay iyon ba? Ang selosa niya naman kung iisipin niyang mas pinili kong sumama sa iba kaysa sa kanila ni Laviña.

"Wala kasi akong choice. Sinama lang din ako ni Joven. Ayaw ko ring maiwan sa bahay kasi nag-iinom si Tiyo Miguel and his friends," sabi ko. Bakit ba nagpapaliwanag ako sa kaniya na para bang may ginawa akong mali?

"At ikaw, Ginoong Del Pilar. Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin at hindi ka na tumutugon sa aking mga liham?"

Doon ako natigilan. Napanganga rin ako dahil ang fierce niya ngayon. Hindi ako sanay. Hindi kaya ay nagseselos siya sa amin ni Goyo. Napatingin ako kay Goyo at kumakamot siya sa kaniyang batok. Bahagya siyang napangiti bago sumagot.

"Paumanhin, Binibining Remedios. Nitong ma nakaraang araw at linggo ay labis ang aking mga trabaho. Wala na akong panahon para sa aking sarili," palusot niya.

"At wala ka na ring panahon para sa atin," mataray na sabi ni Remedios. Parang ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Ako rin eh, malapit na rin ako mawalan ng oras para sa'yo."

After sabihin ni Remedios iyon ay nag walk-out siya. Humingi ng paumanhin si Laviña bago sumunod kay Remedios. Nang makalayo sila ay biglang tumawa si Julian.

"Hahaha! Iinom na lang natin ang suliranin mong iyan, Goyong!" Kantyaw sa kaniya ng kapatid niya. Kaya naman ay nagtungo kami sa isang sinaunang bar kung saan ay nasa kubo lang at may mga nagseserve ng alak, tuba, lambanog and etc. Tapos may mga pulutan din. Puro lalaki nga lang ang nandito eh, mga serbidora lang ang babae kaya napapatingin sila sa akin. Paki ko naman.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon