PAHINA 14

87 3 2
                                    

Dahil sa nangyari, mas matagal akong nakatulog. Nadagdagan lang 'yung mga iniisip ko. Nakatulog na lang ako sa sobrang stress at sa sobrang hiya kanila Goyo. Kung pwede nga lang magpalamon sa lupa, ginawa ko na.

MAAGA akong nagising dahil maingay sa labas ng kwarto ko. Akala mo may bisita eh dalawa lang naman sila, si Joven at si Laviña. Labag sa loob akong bumangon upang tingnan kung ano ba ang pinagkakaguluhan nilang dalawa.

"Ano ba 'yan ba't ang ingay niyo?" Reklamo ko sa kanila na para bang I owned this house. Wala pa akong suklay-suklay, hilamos at mumog. Kaya naman gulo-gulo any buhok ko at may muta pa ako.

"Ito naman Laviña, ito'y para sa iyo," ang sabi ni Inang habang inabutan siya ng makulay na saya. Nanlaki ang mga mata ni Laviña at niyakap niya si Inang at nagpasalamat.

Teka si Inang! Nandito siya!

"Inang Katarina!" Masayang pagtawag ko sa kaniya at niyakap din siya gaya nang ginawa ni Lavs. Ako na yata ang inggitera at hindi na si Laviña. "Bakit nandito ka?"

"Ayaw mo ba akong masilayan?" Inirapan ako ni Inang. Napataas ang kilay ko sa kaniya. Ako lang ang may karapatang mang-irap dito. "Biro lamang. Ako'y narito dahil nabalitaan kong nagtungong Maynila si Miguel. Binilin niya kayo sa akin at isa pa, hindi rin ako mapanatag lalo na at--" napahinto siya nang mapansin niya si Laviña na nakikinig sa kaniya. Mukhang tungkol sa susi at sa akin ang sasabihin niya kaya hindi niya itinuloy. "Lalo na at wala nang matanda rito."

Umalis si Laviña dahil may trabaho na raw siya sa panciteria. Tagaluto siya rito at kahit ayaw ni Tiyo Miguel na magtrabaho siya, nangyari pa rin dahil nakakainip daw sa bahay at sayang naman daw ang galing niya sa pagluluto kung walang makikinabang. Nahawa na yata siya sa kayabangan ko.

"Amanda," tawag ni Inang sa akin. Kasalukuyan akong nasa lababo at naghuhugas. "Mayroon akong natuklasang hindi magandang balita."

Natigilan ako sa paghuhugas at napatingin sa kaniya, naghihintay ako sa sagot niya. Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdagan pa ni Inang Katarina pero sige. Vitamins 'yang problema eh.

"Nadiskubre kong hindi ka maaaring magamot ng susi ng buhay. Hindi ko rin alam ko paano nangyari iyon dahil dati naman ay hindi ito ganito--"

"Sus Inang!" Hinampas ko pa ang hangin na parang sinasabing wala lang iyon. "Huli ka na sa balita. Alam ko na 'yan. Kasi nung kelan lang, nabaril ako tapos trinay kong gamutin sarili ko, but I failed." Kumunot ang noo ko. "But Inang, what do you mean po by dati hindi naman ganito, you mean may humawak na po ng susi dati?"

"Ano?!" Sigaw ni Inang na nakakunot-noo pa. "Nabaril ka? Bakit ka nabaril ano ba ang nangyari sa iyo Hija? Sinasabi ko na nga bang mahahapamak ka dahil sa iyong pambihirang mga kilos!" Kinurot pa niya ang singit ko.

"Hoy Inang," natatawang sabi ko dahil nagulat ako sa ginawa niya, para ko siyang lola. "Grabe ka para namang ineexpect mo na ang mabaril ako. Nagkataon lang naman po kasi may sumugod na mga Kano sa tanggapan kaya ayun."

"Oh eh bakit? Ako ba'y nagkamali? Hindi naman ah?" Inirapan ako ni Inang, pero mas magaling pa rin akong mang-irap. "Ngunit sandali, ibig mong sabihin ay natunton kayo ng mga Kano?"

"Opo, pero hindi naman daw po 'yung Otis, mga sundalong Amerikanong nangtrip lang daw po," sabi ko at nagpatuloy na sa paghuhugas ng plato.

"Ano? Walang gano'n, Amanda. Walang trip-trip at mas lalong hindi kikilos ang sundalo kung hindi sila inutusan ng kanilang heneral," pinaglalabanan ni Inang. Tinaasan ko siya ng kilay. Mas marunong pa siya sa'kin?

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon