PAHINA 19

96 5 0
                                    

Minsan, ang buhay ay susubukin kang talaga
Iyong tipong matrahedya, at hindi mo makakaya
Ngunit dahil sa mga tao sa paligid mo na alam mong umaasa sa iyo,
Nabubuhay ang tapang at lakas ng loob mo
Dahil sa mga taong ito, sila ang nagsisilbing inspirasyon
Dahil ang bawat laban mo ay para sa susunod na henerasyon

Panibagong paglalakbay, sakripisyo, gutom at pagod na naman ang dinanas namin. Ganito talaga kapag naglalakbay ka ngunit wala ka namang pupuntahan. Sa bawat sulok ng lugar ng inyong dinaraanan dama mo ang panganib. Panganib na mula sa kalikasan at panganib mula sa mga tao.

"Goyo! Sumilong na muna tayo! Ang lakas ng ulan!" Sigaw ni Julian habang pinapandungan si Laviña ng kaniyang damit. Katabi ko sila at katabi ko rin si Inang na nagpandong sa ulo ko dahil wala namang gumagawa noon.

"Mga kasama, tayo'y magpahinga muna at sumilong!" Sigaw ni Goyo sa lahat. Nasa kalagitnaan kami ng kabundukan. Hindi ko tuloy alam kung mas mabut8 ba iyon o mas masama.

Mabuti dahil kahit papano may masisilungan kaming mga puno, o masama dahil nariyan ang pangamba na baka may mga mababangis na hayop sa daan.

Nang magsisilong na ang lahat ay may kani-kaniya kaming puno at dahil hindi iyon sapat na pananggala sa malakas na ulan, nababasa pa rin kami at ang ilan din ay may pandong sa kanilang ulo.

Napansin ko ang presidente sa kabilang puno na nakapikit at tila hinahabol ang hininga. Basang-basa na rin siya ngunit wala siyang magawa kung hindi ang magtiis. Kasama niya ang kaniyang mga pamilya. Napansin kong lumuluha ang kaniyang asawa at pinapatahan ito ni Felicidad.

Nang magtama ang paningin namin ni Felicidad ay binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. Para kaming mga basang sisiw sa sitwasyon namin ngayon.

Si Joven ay nagtali ng kumot sa pagitan ng dalawang puno upang magsilbing bubong nila ni Inang para hindi na sila mabasa ng ulan. Katapat lang namin sila. Kasama ko naman si Laviña sa puno na hiwalay kay Julian. Buti naman.

Luh, bitter yarn?

Speaking of Julian, nag-iikot siya upang matiyak na walang wild animals dito. Siya rin ang nagtali ng kumot sa puno namin kanina para may masilungan kami. Kasama niya sina Vicente, Juan and others.  Hindi nila alintana ang ulan, priority nila ang kaligtasan namin.

Kasama rin pala nila si Goyo, pero huwag na natin siyang pag-usapan dahil naiinis ako sa cold treatment niya sa akin. Pero half of me says it's okay na rin eh kasi atleast, mapapalayo na ako sa kanya at masusubukan ko na siyang kalimutan.
Hindi naman official na naging kami eh, sa totoo lang. Walang pag-amin na naganap, walang ligawan, walang "mahal kita," basta na lang kami nagkaintindihan at basta na lang din namin naramdaman ang pagmamahal ng isa't-isa, kasi nga diba, action speaks louder than words?

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, gano'n. Minsan gusto din natin na lumabas mismo sa bibig ng ating minamahal na mahal nila tayo. Iba sa pakiramdam 'yung gano'n eh, nakakakampante. Ewan ko ba rito, kay Goyo. Nakakaasar talaga siya.

Kaya naman ay hindi ko na siya titigan. Hindi ko na papansinin ang pag-alalay niya kay Felicidad na tumayo at pagpandong niya rito.

Wow lang talaga, nakakabilib siya. 'Yung iba niyang mga kasama ay sinisigurong walang mabangis na hayop sa gubat o kaya naman ay nag-aayos ng kumot na ginagawang silong, pero siya ano? Ayun at nambababae.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon