PAHINA 5

144 10 1
                                    

#SOTPJoven's

"Ikaw na bata ka! Saan ka naman nanggaling ha? Pinag-aalala mo ako nang husto!" Panenermon sa akin ni Inang Katarina habang patulak akong pinapapasok sa bahay-kubo. Mapanakit din itong si Inang ah. Sinamaan ko siya ng tingin kasi wala siyang karapatang gawin sa akin iyon.

"Aray naman ko naman po!" Tumayo ako nang maayos at hinarap siya. "Hindi ba't ikaw 'yung nagsabi sa'kin na umalis ako kanina? Eh siyempre, natakot ako kanina kaya umalis talaga ako."

Nag-eexplain ako habang ginagamit din ang kamay ko para mas convincing. Ayan ha, binigyan ko kayo ng tips kung paano mas magiging convincing ang mga pinagsasabi niyo. Dapat pati kamay niyo nagsasalita tapos dapat maniwala kayo sa sarili niyong kasinungalingan, if it's a lie. Pero kung totoo 'yung sabihin niyo, eh 'di mas maganda kasi honesty is the best policy.

"Hunghang! Sinabi kong lumabas ka na muna upang magamot ko nang maayos si Joven nang walang maingay sa aking tabi. Hindi ko naman sinabing magpakalayo ka!"

Ay... lumabas lang ba? Hindi magpagala-gala? Mauubusan na sana ako nang isasagot sa kaniya buti na lang naisip ko si Joven.

"Over niyo sa hunghang ah! Siya nga pala, Inang. Kumusta na si Joven?" Humarap ako kay Joven na nakaupo sa tapag ng lamesa sa loob ng bahay. Tuloy-tuloy ang pagpasok ko para matingnan ko nang maayos ang kalagayan niya. "Uy, Joven, okay ka lang?"

Too late na nang marealize ko na ang pangit ng tanong ko. Gaga! May okay ba na nasaksak? Saksakin kaya kita tapos tanungin kita kung masakit ba. Minsan talaga hindi rin ako nag-iisip. Minsan lang naman kasi most of the time may presence of mind ako.

"Anong ibig sabihin ng okey?" Nakakunot-noong tanong ni Joven. Napa-facepalm na lang ako dahil naloka ako kay Joven. Malapit nang sakupin ang Pilipinas ng mga Amerikano sa panahomg ito pero siya hindi pa rin marunong mag-English. Pupulutin ang isang ito sa kangkungan eh.

"Okay, as in Objection killed. OK? iyon bang okay ka lang, walang masamang nangyari sa'yo..." naghahanap pa ako ng possible synonyms ng ok sa tagalog. "Ah! Maayos! Maauos na ba ang kalagayan mo?"

Nagsnap pa talaga ako na parang nakakaproud na naisip ko na ang Tagalog ng okay ay maayos. Isa rin akong shunga nakakahiya. Pinay pa naman din ako, na half Canadian. Nakangiti pa ako pero nawala ang ngiti ko nang ngumisi si Joven.

"Kailan pa naging maayos kung ang tao'y nasaksak?" Sarcastic niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko. Ayun na nga ang iniisip ko kanina! Ngayong natranslate ko na nang maayos, ngayon lang pumasok sa utak niya ang naiisip ko kanina.

Nagmamadali akong lumuhod sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. "Huy Joven, sorry na. Promise 'di ko talaga sinasadyang saksakin ka. Ang goal ko lang is malaman kung truthfulness bang nakakagaling ako and it turns out na hindi!"

Pagkasabi ko ng salitang hindi ay tumingin ako kay Inang Katarina nang masama. Tinaasan niya naman ako ng kilay na para bang kinikwestyon ang pagtingin ko sa kaniya nang masama.

Tinulak ni Joven ang kamay ko na parang may germs ang kamay ko kaya niya pinandidirihan. Pinandilatan ko siya ng mata na parang sinasabi na how dare you!

"A-ah! Sa panahong ito, Binibini, hindi kaaya-ayang maghawakan ng kamay ang isang dalagang babae at binatang lalaki l-lalo na kung wala silang r-relasyon," nauutal na pagpapaliwanag ni Joven. Hindi rin niya magawang tumingin sa beautiful eyes ko.

"Ang feelingero mo naman. Talaga ba? Relasyon agad? Hindi ba pwedeng nagsosorry lang? Excuse me 'no, hindi kita type. Sorry ka!" Inirapan ko pa siya.

Tinagilid ni Joven ang kaniyang ulo at marahan akong tinitigan. "Ikaw ba talaga ay nanghihingi sa akin ng tawad o ano?" Natawa siya. "Gayunpaman, pinapatawad na kita, Binibining Amanda."

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon