PAHINA 23

53 5 1
                                    

#SOTPPeace

"Naku, hayan na na naman ang dalawang ito. Nasa kalagitnaan ng digmaan, inuuna ang landian," umiiling na sabi ni Julian. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape.

"Wow! Look who's talking! Ikaw nga eh. Hoy, ikaw! 'Kala mo hindi ko alam na nilalandi mo si Laviña ha!" Sabi ko at tumayo para lang kurutin ang tagiliran niya. Natawa tuloy si Toto sa ginawa ko.

"Ay aray ko po! Hoy, Goyong! Pagsabihan mo nga itong nobya mo, nananakit! Ikaw naman may atraso ka sa kaoatid ko! Pinahiya mo siya kagabi!"

"Julian," pananaway ni Goyo.

"Huwag mong ibahin ang usapan! Hoy alam mo naman siguro na mas bata sa akin si Laviña, mas bata ako kay Goyo, at mas bata si Goyo sa'yo! Ang laki ng agwat niyo ni Laviña! Ano ka pedophile?"

"Pido-- ano? May mga bagay ka na namang sinasabi na hindi namin maunawaan," naguguluhang sabi niya.

"Pedophile! Ibig sabihin no'n matanda na nagkakagusto sa bata," pangaral ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi naman ako matanda ah! Ni wala pa nga ako s trenta! Si Laviña'y hindi na rin naman bata. Masyado ka lang namang istrikta sa iyong pinsan," umiling si Julian. "Huwag kang mag-alala, hindi ko siya sasaktan--"

"Dapat lang! Isa pa, hindi 'yan sinasabi, ginagawa 'yan!" Hangga't nandirito ako sa panahong ito ay babantayan ko ang mga kinikilos niya kay Laviña. Si Laviñ ay hindi na iba sa akin at malapit na siya sa aking puso. Ayaw kong masaktan siya ng playboy na 'to.

Kinabukasan ay maaga muli silang nagising upang magsanay at upang magpakuha ng litrato kay Joven. Maganda ang sikat ng araw na para bang umaayon ito sa amin. Mahangin din dahilan uoang magliparan ang mga patay na dahon. Maaga rin akong nagising dahil nais kong masaksihan ang kanilang picture taking.

"Humanda na po," mahinahong sabi ni Joven at sumenyas pa. Kani-kaniyang ayos naman ang mga sundalo. Nasa unahan si Goyo sakay ng kabayo at naroon din ang batang si Toto at ang ama niya. Lahat ng mga sundalo ay kasali. Tamang-tama ang sikat ng panahon para sa picture taking na ito. "Wala na pong gagalaw."

Literal na wala ng gumalaw na para bang maiistroke na sila. Ako ang nahihirapn sa sitwasyon nila eh kaya as always, hindi na naman ako nakapagpigil na mangialam.

"Galaw-galaw, baka pumanaw," nag-aalalang sabi ko dahil sa hitsura nila para na silang hindi humihinga. Natawa tuloy ang ilan sa sinabi ko.

"Amanda," saway ni Joven at pinanlisikan ako ng mata. "Seryoso na po. Uno, dos, tres! Isa pa po, uno, dos tres!" Ang seseryoso talaga nila. Dinalawa pa niya eh wala namang pinagkaiba ang unang pose nila sa pangalawa.

"Isa pa, wacky naman ha!"

"Wacky?"

"Ano raw?"

"Ano 'yun?"

"Anong pinagsasabi mo riyan?" naguguluhang tanong ni Joven.

"Photographer eh hindi alam!" Inirapan ko siya. "Guys, wacky! Dapat papangitan ng mukha ah! Like ganto nakadila or nakakindar bahala kayo sa trip niyo. Pwede ring peace sign, rock n roll, or finger heart. Ano, ready na ba ang lahat? Handa na?"

"W-wala kaming naunawaan sa sinabi mo, Amanda," nahihiyang sabi ni Goyo. "Ngunit gagawin na lang din namin. Maari mo ba kaming turuan?"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil ang slow nila. "Sige na nga! Ganto na lang nakataas ang kamay tapos nakayukom na parang sinasabing laban." Tinaas nila ang kanilang mga kamay at ginawa ang sinabi ko. "Ayan, ganiyan nga, perfect! Ngayon pagbilang ko ng tatlo--"

"Sandali, sumama ka," anyaya ni Goyo at inialay ang kamay niya. S'yempre 'no, hindi na ako nag-inarte! Tumakbo na ako papunta sa kaniya. Inalalayan ako ni Vicente na makaakyat sa kabayo kasama ni Goyo at nang okay na ay nagpose na ulit sila.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon