Gregorio Del Pilar IV

40 3 0
                                    

Hindi araw-araw ay mapalad tayo
Ngunit nabuhay akong muli, masasabi ko bang mapalad ako?
Gayunpaman, lilisanin pa rin ako ng taong mahal ko
Hindi niya rin naman ito ginusto, ngunit ang tadhana ang kalaban namin dito
-Gregorio Del Pilar

"

Goyong!" Nakangiting sigaw ni Amanda. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi agad ako makagalaw at hindi ko siya agad nayakap dahil pinoproseso ko pa ang mga nangyari. Isa pa, ang alam ko ay patay na ako.

"Anong nangyari?" Tanging nasabi ko. Inilibot ko ang mga mata ko at narito kami ngayon sa kubong tinutuluyan namin. Nakahiga ako sa may papag, siya naman ay nakagayo sa harap ko.

"Tapos na. Nailigtas na kita, tapos na ang aking misyon. Tapos na rin ang labanan sa Pasong Tirad." Nakalimutan ko, milagrosa nga pala ang mahal ko.

"At anong nangyari sa labanan?" Iyon talaga ang concern niya. Wala siyang masyadong paki kung second life na niya ito at hindi noya inalam kung anong nangyari sa kaniya kanina.

"Natalo ang Pilipinas, pero wala namang masyadong namatay dahil agarang umalis din sila. Kani-kaniya nang takas kanina, nang ika'y namatay, pero huwag kang mag-alala buhay na buhay ka ngayon dahil iniligtas kita. Iniligtas ka ng susi."

"Walang masyadong namatay, ngunit mayroon pa rin? Ang aking mga kaibigan? Si Julian?" Tanong ko. Nawa'y buhay pa sila.

"Buhay sila, si Joven, buhay rin. Ngayon, maaari ka na bang magfocus sa atin? Goyong, aalis na ako," seryosong sabi niya. "Mamaya mo nang intindihin ang iba, pwede bang ako muna kasi ito na ang huling sandali, literal dahil ilang minuto na lang ang itatagal ko rito."

Hindi ako nakaimik nang sabihin niya iyon. Ilang minuto akong natulala at namg maproseso ko iyon ay agad ko siyang niyakap at hinalikan ko siya sa labi. Oo nga pala, ang babaeng ito ay hindi taga-rito. Siya ay mula sa hinaharap.

"Amanda, hindi ko kaya," naluluhang sabi ko. "Maaari bang dito ka na lang? Huwag mo na akong lisanin. Patawarin mo ako kung makasarili ang hiling na iyon, ngunit hindi ko talaga kayang mawalay sa iyong piling."

Ang kaniyang mga mata ay naluluha na rin ngunit pinipilit niyang magpakatatag. "Kayanin mo, Goyong, maliit na pagsubok lang ito kung ikukumpara sa lahat ng mga pingdaanan mo. Kailangan mong maging matapang. Kinaya mong wala ako sa tabi mo noon, kakayanin mo rin 'yan ngayon, so please? Magpakatatag ka."

Niyakap ko siya nang mahigpit dahil nais kong maramdaman niya kung gaano ko siga kamahal. "Ngunit sinanay mo na ako sa iyong piling, Amanda, ako'y panindigan mo."

Para na akong babaeng nabuntis sa sinabi kong iyon. Para bang hindi ko na kayang magpakatatag dahil nasanay na ako sa kaniya at aaminin ko, siya na ang ginawa kong mundo. Kaya hindi talaga dapat ginagawang mundo ang tao eh. Dahil sa oras na siya'y lilisan na, oara bang ikamamatay mo na ito.

Malungkot akong ngumiti at hinaplos ang braso niya. "Kung kaya ko lang, hinding-hindi na ako aalis sa'yo. Hindi rin naman maganda ang buhay ko sa hinaharap at tila wala naman na akong babalikan pa. Kaya lang, hindi pwede at wala akong magagawa."

Wala na kaming masabi matapos niyang sabihin iyon. Binalot na lang ng iyakan ang kapaligiran at dinadama na lang namin ang presensya ng bawat-isa. Tila ba ay nawalan kami ng mahal sa buhay sa paraan ng aming paghagulgol. Ganoon na rin naman iyon sapagkat hindi na namin makikita ang isa't-isa. Mabubuhay man kami, ngunit magkaiba naman ang aming panahon. Mabubuhay na lang kami sa alaala ng isa't-isa.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon