PAHINA 18

85 4 0
                                    

#SOTPHindiPagkakaunawaan



"Kung gayon ay hindi kayo tunay na magpinsan," narinig naming sabi ng isang lalaki at nang lumingon ako ay si Goyo. Umaakyat, papunta sa amin. "At may gusto ka sa kaniya, Joven."

"Ahh... ahh," wala akong masabi kaya pinandilatan ko ng mata si Joven. Siya ang may pakana nito kaya siya ang dapat na magpaliwanag. Pinaakyat niya pa ako sa bundok eh reachable naman pala ito. Heto at nandito na tuloy sa harapan namin si Goyo.

"Hindi ho, Heneral. Mali po ang inyong narinig," deny ni Joven at tumango-tango ako. Tama ang desisyon niyang magsinungaling dahil ayaw ko ng gulo. Malalaman nilang lahat dito na hindi kami magpinsan at baka kalkalin nila ang identity ko. Pag nagkataon, malalaman nilang mula ako sa future. Oh no!

"Tama! Tama siya! Nag-aano lang kami nagdadrama! Oo! Nagbibiruan lang kami," kinakabahang sabi ko. Magsinungaling ka pa girl. Konti na lang talaga, hahaba na 'yang ilong mo. Convincing kaya ang pagsisinungaling ko?

"At sa tingin niyo ba ay malilinlang niyo ako?" mariing tanong ni Goyo at kitang-kita ang pag-igting ng kaniyang panga. 'Yung mga ugat niya sa noo, kitang-kita ko na rin. Ganoon ba katindi ang galit niya? Nakita ko ring nakayukom ang kaniyang kamao. "Ganoon ba kababa ang tingin niyo sa akin?"

"Paumanhin Heneral. Opo, kami ay hindi tunay na magpinsan at napupusuan ko siya heneral," seryosong sabi ni Joven, hindi kumukurap. Hindi ko inaasahang bibigay agad siya kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi niya pinanindigan ang pagsisinungaling niya at pakiramdam ko, kukwestyunin ako. Hindi pa naman ako tagarito. Hay nako talaga!

"Kung gayon ay bakit kinakailangan mo pang magsinungaling?" Malamig na tanong ni Goyo.

"Dahil ang pakilala namin ay magpinsan kami!" Ako na ang sumagot at hindi ko sinasadyang mapasigaw.

"Kung gayon ay bakit kinakailangan NIYO pang magsinungaling?!" Sinalubong ako ng nanlilisik niyang mga mata. Kitang-kita ko ang gakit niya. "Para saan, Amanda? Upang kami ay inyong linlangin? Bakit? Siguro ay may relasyon kayong dalawa at lihim ang inyong relasyon kung kaya't--"

Napahinto siya sa pagsasalita nang sampalin ko siya nang malakas at malutong. Sumosobra na siya! Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Na sinungaling, well baka nga oo dahil nagsinungaling kaming magpinsan pero hindi naman kami ni Joven at hindi naman ako makikipagmabutihan sa isang lalaki kung may karelasyon ako.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig na nagtapat siya sa akin? 'Di ba narinig mo? So, ngayon ko lang din nalaman 'yung nararamdaman niya. In short, wala rin akong idea! Ang dami mong alam, ang dami mong naiisip. Maging manunulat ka na lang kaya!"

"Iyan! Diyan ka magaling. Idinaraan mo sa biro ang lahat. Seryoso ako, Amanda. Hindi ako natutuwa sa inyong ginawa ni Joven. Kayo'y mga bulaan at--"

"At seryoso rin ako, Goyo!" Inis na sabi ko sa kaniya. "Sa tingin mo ba ay gusto kong magsinungaling? Wala akong pagpipilian. Kailangan kong gawin ito. Tungkol naman sa pagkakagusto ni Joven sa akin," tumingin ako kay Joven na ngayon ay mapayaoang nanonood sa amin. Inirapan ko nga, siya pasimuno nito eh. "Hindi ko hawak ang puso niya at hindi ko kasalanang magustuhan niya ako."

"Ngunit bakit hindi mo sa akin sinabi ang katotohanan--"

"Paulit-ulit tayo, Goyo?" Inis na sabi ko. "Kasi nga diba?" wala akong maisip na valid reason kaya naggalit-galitan na lang ako lalo. "Hayst. Bahala ka na riyan. Bahala na kayo riyan. Ayaw ko nang mag-explain. Period!"

Naiinis na talaga kasi parang paulit-ulit lang kami ni Goyo. Parang gusto niya lang na magalit sa akin at ang nakakainis pa dito ay sarado ang utak niya so paano kami magkakaintindihan.

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon