PAHINA 15

95 1 0
                                    

#SOTPNaganapNa

Ilang buwan akong nahimbing sa kapayapaan
Pagdating ng kaguluhan ay hindi ko namalayan
Sa kabila ng kaguluhan, nakahanap ako ng pahinga
Nagkaroon din ng dahilan sa aking bawat paghinga
Munting binibini, hindi kita pababayaan.
-Goyong.

"Ang totoo niyan," bumuntong-hininga ako sa sinabi ni Inang at ready nang makinig sa susunod niyang sasabihin. Nalaglag ang panga ko sa sunod na sinabi niya at hindi ko 'yun inexpect kaya naman ay nawalan ako ng malay. Ang OA ba? Pero iyon talaga ang nangyari. Literal na nandilim ang paningin ko at narinig ko ang sigaw ni Inang.

NAGISING ako nang madaling araw at nakita ko si Inang at si Joven, sa tabi ng kama ko at natutulog sila habang nakaupo. Ang kanilang ulo ay nakahilig sa kutson ko. Napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim pa. Umupo ako at inalala ang mga nangyari bago ako nawalan nang malay.

"Ang totoo niyan, mayroon nang humawak sa susi ng buhay noon," panimula niya at nang sabihin niya iyon ay automatic nang napatikom ang bibig ko. "Nabigo ang may hawak ng susi sapagkat ginamit niya nang ginamit ito at nakapagligtas siya ng mga taong masasama, iyong mga hindi karapat-dapat kaya naman ay hindi na niya nagawang mailigtas ang mga tunay na mabuting kalooban. Binawi sa kaniya ang susi at matagal na panahon bago makahanap nang bagong tagapangalaga nito. Ikaw iyon, Amanda. Ikaw ang tagapangalaga nito kaya huwag na huwag mong aabusuhin ang paggamit nito. Hindi ikaw ang may-ari ng susi, pinaubaya lamang sa iyo."

Napailing na lang ako nang maalala ko iyon. Delicades palang magligtas nang magligtas dapat may personality check din. Marami-rami pa naman na ang naligtas ko.

Ginising ko na sila Inang at Joven upang makatulog na sila nang maayos. Tinanong pa nga nila ako kung kumusta na raw ba ang kalagayan ko at sinabi kong okay lang ako kaya huwag na silang mag-alala. Dumating na ang araw nang pagbisita ni Aguinaldo kay Mabini. Todo prepared ako kasi excited ako.

"Señor Presidente," tawag ni Goyo at inilahad ang kamay niya upang palapitin ako sa kaniya. "Ipinakikilala ko sa inyo ang aking kaibigang si Amanda. Siya'y isang manggagamot at nais ko sanang isama mo siya sa iyong pagtungo kay Ginoong Mabini. Delikado ang kalsada at hindi mo alam kung saan ang ligtas na lugar. Mapapanatag ang aking kalooban kung isasama mo siya."

Tiningnan ako ni Aguinaldo mula ulo hanggang paa bago ako nginitian. "Ngayon ka lamang nagpakilala sa akin ng babae, Del Pilar. Inaakala kong siya'y iyong nobya, nagulat akong kaibigan mo lamang siya."

Awkward kaming natawa ni Goyo. Bakit niya ba kailangang banggitin 'yun? Nahiya tuloy ako kay Goyo sa hindi malamang dahilan. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Gosh! Nakakahiya!

"Ngunit hindi na kailangan, Del Pilar. May mga sundalo naman akong kasama at hindi naman gulo ang pupuntahan ko kung hindi ay para naman sa kapayapaan. Bibigyan ko ng posisyon si Apolinaro at sana'y kaniyang tanggapin."

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon