The Musical

86 17 2
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 10

The Musical

Monday na naman at as usual wala namang nagbabago sa buhay ko.
Ako pa rin si Harmony Harrison who pretends to be Melody Cruz..

Nasa hallway ako ngayon, wala pa kasi yung teacher namin sa Music. Badtrip na nga ako eh, pa'no ba naman hindi pa dumarating! Kainis pa 'tong kalapit ko..

Yeah, he's Chris...

Bad trip na alphabetical yan..

Pinagmumukha lalo akong kawawa...

As you can read (hindi kasi pwedeng see kasi hindi nyo naman nakikita, right?)
nakikipag-chikahan siya dun sa dared-gf niyang si Angel.. este... Precious, galit kasi 'yun 'pag tinatawag siyang "ANGEL" pag hindi kayo close.... 'di daw bagay at ayaw niyang dungisan ang maganda niyang pangalan 'DAW'.

"Babe, may gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Precious.
Nadidinig ko kasi nakaloud speaker. Napakalakas. Bingi na yata.

"A-ah wa-wala naman.." sabi ng utu-uto kong kalapit. Meron naman talaga kasi siyang gagawin dahil may exams kami, kaya magrereview siya. Tsk... Ang pag-ibig nga naman...

"Ah, kasi I need to pass my project, 'yung baby thesis namin sa English, next week na kasi yung pasahan ehh.." with the use of her well-known seductive voice.

"Ahh.. Ganu'n ba? Sige ako na ang gagawa. Nandyan na pala si Ma'am.. Bye, babe." mabilisang sagot ni Chris.. Tanga talaga 'to, nagpagamit na naman sa haliparot niyang girlfriend..

Alam naman niya na may boyfriend si Precious bukod sa kanya pero siguro ganun nga talaga..
Mahal niya kasi ehh...

----------

"Good morning class.." Panimula ni Ma'am

"Good morning" tugon namin.

"Dahil sa kailangan natin ng fund raising para sa isang institution na naging mahalaga para sa may aring school na 'to, nagkaroon tayo ng gagawing musical.. Actually guys, isa iyong musical play.." paliwanag ni Ma'am...

"Eh Ma'am., about what po ba 'yang play na 'yan?" Sabi ng student council preisdent na si Xia.

"Ahh, kung 'yung theme ang tinutukoy mo, it's about ROMANTICISM... Ang nagsuggest kasi niyan ay yung nasa Class A nang third year, si Anneriche' Francois at 'yung editor in chief ng news papers natin... Si Clark Montegrande ang nagsulat ng script nyo.."

"Eh ma'am, kailan po ba gaganapin 'yang play na yan?"

"Two to three months from now, I know you can do it guys.."

"San po ba nag-aaudition for the play????" Sabi nang isa sa mga kaklase ko na mukhang interesadong-interesado.

"Sa school gymnasium 3" tugon ni Ma'am.. 5 kasi ang gymnasium dito..

Biglang tumahimik nang naglakad papunta sa left side ko si Ma'am. Maya-maya, nagulat ako nung kapitan niya ako sa balikat...

Ang lamig ng kamay niya..

May ibinulong siya sa 'kin.. Dahil doon nanigas ako sa kinauupuan 'ko..

"A-a-a-no po?" Nanginginig kong sabi.

"Ikaw ang napili para sa lead role.. Sinuggest yun nung isang estudyante rito.." Ang sabi ni Ma'am.
Pero kung sino man 'yung pumili sa akin, thank you dahil sa pagtitiwala sa kakayanan ko.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now