The necklace's pendant

82 14 2
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 24

The necklace's pendant

Harmony's Point of View

Nagising na lang ako nang nasa tabi ko na si Mommy, pero mamasa-masa ang pisngi nya, halatang nakatulog na lang sa kaiiyak.

Nang maramdaman nyang gising na ako, medyo naalimpungatan siya at bigla na lang nagsalita at bahagyang iminulat ang kanyang mga mata.

"Hany?? Hany?" ang paulit-ulit nyang ibinubulong. Medyo pinagpapawisan na rin siya nang dahil roon.

Tungkol saan kaya ang panaginip nya? At bakit patuloy at paulit-ulit nyang binabanggit ang pangalan ko?

"Mommy, wake up..." inuga-uga ko siya. Binabangungot na yata, eh.

"Mom... Ahh..." bigla nya akong niyakap.

"I'm glad your all right ..."

"Of-course, Mom." ang sabi ko. Wala naman kasing masakit o kung anuman sa akin. Maliban dun sa nangyari kahapon.

"Huh... I'm glad that you're alright, sweetie." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Yup, Mom. I'm perfectly fine..." Ssh... I lied.

"I know, Hany.." she knows that I am pretending to be fine pero sinakyan niya na lang.

--------------

Magkasabay na kaming naglakad pababa ng hagdan para makakain na rin ng breakfast.

 
Nang mapatingin ako sa orasan sa harapan ng hagdan at sa glass window sa kanan ko.

It's been 5:30 in the morning.

Outside you can see, is the empty, cold, bizzare, dark dawn.

Kahit na nasa loob ka nang bahay, parang nararamdaman mo ang dampi ng malalakas na hangin sa labas.

"Hany, what's wrong?" napatigil din pala sa paglakad si Mom. Kapit ko nga pala ang kanang kamay niya.
 

"Ah, nothing, Mom. Come on.." nagpatuloy na kami sa paglakad papunta sa kusina.

Matapos naming kumain, pumasok na kaagad ako sa school. Last day na nga pala ng second semester, mag-sesecond year na ako.

March 20 na kasi ngayon.

Pagpasok ko sa room kaagad akong sinalubong ni Chris na kaklase ko tuwing first subject.

"Melody!"

"Chris..."

"O bakit ang lungkot yata nang boses mo? May sakit ka ba?"

"Ah, wala..."

"Siguro, mamimiss mo ko, no..."

"Sira! Pero syempre naman. Halos 2 months din tayong di magkikita."

"Bakit naman? Pwede naman kitang sunduin sa inyo."

"Wag na nakakahiya naman, saka may cellphone naman. Pwede na 'yun."

"Ok... Sige.."

"Tsk.. Eto naman nagtampo na kaagad. Alam mo ayaw kasi ng parents ko nang may pumupunta sa bahay namin na kahit sino, maliban na lang sa mga kilala na nila."

"Eh, di ipakilala mo ako.." Anak ng pating naman 'tong si Chris, hindi lang yata engineering ang kukunin nito eh, mag-lalawyer din ata 'to. Wala kang lusot ang galing sa reasoning at proving.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now