RECOVERY: When wound Healed

83 14 2
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 13

RECOVERY: When wound Healed

Ewan 'ko ever since that hindi na 'ko nagsasali sa mga play-play na yan..

Masakit eh, masyadong paasa..

Almost one month na lang pala at graduation na...

Sa wakas...

"Hi... Ms. pwedeng makipagkaibigan sa'yo?" sabi ng isang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko.

"Oo naman, bakit hindi?" eh, ikaw nga lang ang nagtangkang makipagkaibigan sa kagaya ko.

"Ako nga pala si Chris ... Chris King Croissant..."

"Melody... Melody Cruz.... Parang hindi tayo magkaklase at magseatmate, noh. Magtatapusan na ngayon lang tayo nag-usap ng ganito." Natutuwa kong sabi.

"Oo nga ehh,.. S-sorry ha.." sabi niya habang nakatingin sa sahig. Mukha tuloy siyang guilty-ng ewan..

"Bakit ka nagsosorry, eh wala ka namang ginawang masama sa 'kin??.."

"Sorry dahil sa ex-gf ko.. Dahil hindi kita madalas na naipagtatanggol sa kanya.. Takot kasi akong iwan niya ko ehh.. Until.." nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya ba o hindi.

"Until what?" kumunot ang noo ko.

"Until I realize that she's not worth it.. haha.." sabi niya sa isang sad pretending to be happy voice.

"O tama na 'yan friend... Baka umiyak ka pa, mahiya ka naman sa 'kin" biro ko.

"O sabi mo yan ha, friends na tayo...?" nakangiti niyang turan.

"Ayaw mo?" biro ko.

"Syempre gusto, pinky swears na tayo... to seal the promise of friendship..."

Nagpinky swears kami..

Para kaming bata pero atleast may friend na 'ko..

------------

Simula noon, nagbago na ang lahat.

May maaasahan na 'ko kahit papa'no..
May makakapitan...

"Ohh, look who's here.." nakasmirk na sabi ni Angel/Devil pumalakpak pa.. "PERFECT MATCH.."

---------

Chris King Croissant's First Point of View

Salamat naman at nabigyan ako ng freedom of expression sa wakas!

May gusto nga pala ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon since nung kami pa ni Angel, nagbreak na rin kami after a month.

Ewan ko, she's totally different!, 'yung iba kasing nakilala ko, nakikipagkaibigan lang sa 'kin kasi matalino, mayaman at gwapo daw ako. Perfect CATCH kumbaga. Pero siya parang laging inis 'pag nakikita ako, kaya takot akong kausapin sya. Pamisteryosa effect kase.

Nung una nga yang babaeng yan, parang laging galit sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit para akong napakaraming nagawang kasalanan sa kanya, na hindi nagregister sa utak ko kaya hindi ko maalala.

Kaya eto ako ngayun, lumalapit na sa knya. Nakipagbreak na dun sa impakta kaya no worries na. Tapos na rin naman kasi yung one year dare namin.

"Hi... Ms. pwedeng makipagkaibigan sa'yo?" Panimula ko.
   
---------------

Harmony Point of View

Wala na nga pala si Justin, dahil tumuloy na siya sa Korea, a month ago kaya si Chris na ang naging bestfriend ko simula nun.

Sabay kaming nag-enroll sa CHRISTINE HARRISON College.

Music Course ang kinuha ko at nag-engineering si Chris.

Nagchange looks na nga pala sya at literally guys, ang hot nya.

Hindi nya na sinusuot yung nerdy glasses nya at instead of those, contact lenses na ang ginagamit nya

Pero kung itatanong nyo kung nasabi ko na ba sa kanya ang deepest secret ko, well hindi pa, wala akong balak at hinding-hindi ko sasabihin sa kanya.

BAKET?

Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya, kundi dahil ayokong madamay siya at mapahamak ang nag-iisa kong kaibigan na palaging nasa tabi ko. Mas mabuti nang si Justin na lang muna ang may alam at least siya malayo siya sa 'kin sa ngayon.

------------

Kumakanta na nga pala ako sa orchestra paminsan-minsan pero nag-apply ako sa isang bar at hinihintay pa ang confirmation ng application ko.

Nalulungkot din ako paminsan-minsan dahil namimiss ko pa din si Ate at ang first FriendBOY ko, si Justin.

Ang tao bang puno ng pagpapanggap at kasinungalingan ang HANAP NYO, perfect! nasa tamang story kayo dahil ako yun.

--------------

North's Point of View

Naghihintay pa rin ako ng updates tungkol sa kaso ni Chime at kung nasaan na siya ngayon.

"O Mr. Angeles, anong ginagawa mo sa lugar na to?" sabi ng isang janitor na nakakita sa 'kin.

Kasalukuyan akong nasa dating Music Room.

"Ah, wala po, Kuya. Napadaan lang po ako dito kaya ako pumasok, bawal na po ba rito?"

"Ah, hindi naman. Pero simula kasi nang araw na 'yun. Wala na ulit pumasok sa music room na 'to."

Anong nangyari nung araw na yun?

Flashback:

May 26.. 5:00 A.M. 3 years ago, nagpunta kami ni Chime sa lugar na 'to. Bandang 6:00 A.M., nung tinugtog ko yung First part ng SYMPHONY na ginawa ko (nawawala nga po yung Symphony eh, last ko pong nakita yun nung magpunta ako sa park, a year ago.)
   

Pero I still remember the tune. Natural, ako ang gumawa!

Sana talaga matuldukan na ang misteryo ng 'di niya pagpapakita sa akin. Sana mahanap ko na siya at nang marinig ko ang paliwanag niya at ang fix closure nang relationship namin.

-----------

Chris Point of View

*calling....unknown number*

"Chris!"

"Baket? Sino ka ba??...." nagtatakang tanong ko.

"Batukan kita dyan eh, si Melody 'to" Ayan na naman siya, nangungulet. Ang dami-dami nya kasi number sa 'kin eh. 10 plus na yata. Kung 'di lang 'yan nagpepedicab kapag pumapasok, iisipin ko rin na mas mayaman pa siya sa 'kin eh.

"Totoo bang si Melody ka?"

"Oo at sino namang magpapanggap na ako, di ba?" tama... Eh, sino nga ba?

"Oo nga naman may point ka!"

"Sama mo! Ikaw na gwapo!" batikos niya habang nagtatuntrums sa kabilang linya.

"Eh ikaw ang may sabi tapos nung sinang-ayunan kita nagagalit ka pa!" pang-iinis ko.

"Oo na po. Ano pasado ba?" paglilihis niya sa topic na kaagad ko namang sinagot.

"Aba, syempre."

"Okey, iba na talaga ang genius!"

"Ano ka ba, regular university 'to, kaya for sure papasa ako, eh ikaw kamusta ang Music course?"

"Of course, maraming-maraming maarte. Nagtaka pa 'ko eh, Nasa arts and music department ako eh."

"Oo nga!..." ang tugon ko sa sagot niya..

"adgptw"

"hello?" hindi ko siya maintindihan.

"adgjmp"

"Hello, Melody?"

*Call ended*

Pinatay niya na pala, wala man lang pasabe.
Ang wirdo talaga nang isang 'yun..

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now