Can I start MOVING ON?

91 14 4
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 15

Can I start MOVING ON?

Mga ilang linggo simula nung first day of classes, araw-araw ko pa ring naririnig ang malungkot na tunog ng pianong iyon.

At alam kong siya pa rin ang tumutugtog...
Minsan nga napapaisip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi..

Pero dahil sa takot kong tahasan niya akong lampasan at hindi pansinin, hindi ko na siya nilapitan pa.

Siguro nga malaki ang problema niya sa ngayon.

At walang ibang makatutulong sa kanya kundi ang sarili niya.

-------------

North's Point of View

AKO ba?
PROBLEMA ko?
WALA noh...
NONE..
EWAN!!

HINDI KO NA ALAM!!

Bakit ba kase?
Ano bang kasalanan ko at hindi pa rin nila matrace kung nasaan si Christine?
NASAAN ANG BABAENG MAHAL KO?
Ang gusto ko lang naman ay ang maayos na closure nang lahat-lahat sa amin.
Masama ba 'yon?

Tapos na ang lahat-lahat sa aming dalawa pero,
BAKIT MAHAL na MAHAL ko pa rin siya???

*** CALLING ... WILLIAM SCOTT ***

(William is one of a fictional Character in the one shot "THE DAYDREAMER"--> Compiled in "FLEET FINDING MR./MS. RIGHT")

"Hello?!"

"Hmm... North, ikaw pala, bakit napatawag ka?"

"Liam, may balita na ba sa paghahanap sa location ni Christine?" Pinapahanap ko pa rin siya. Para naman magkaroon kami ng tamang closure hindi yung sa text lang siya nakipag-break sa 'kin.

"Wala pa, 'Tol eh.. I call you up if there's an update about her.."

**I hung up the phone**

#CALL ENDED#

Walang kwenta!

Anong silbi at may-ari ako nang isang TOP SECURITY AGENCY at LAW HOUSES, kung hindi 'ko naman mahanap ang isang taong napaka-importante sa 'ken?

SIGURO nga paraan na nga ito para sabihin sa 'kin na..
"NORTH, TAMA NA... NASASAKTAN KA NA... HINDI KA NA NYA BABALIKAN KASI HINDI KA NA NYA MAHAL... Naiintindihan mo ba?"

Kahit ano kasing kausap ko sa sarili ko at kahit anong sabi ko na gumising na 'ko sa masamang panaginip na 'to.
Hindi ako magising-gising, dahil totoong wala na siya, hindi niya na ako mahal at iniwan niya na akong mag-isa..

Dapat nga siguro, kalimutan ko na rin siya...
Dahil ganoon naman ang ginawa niya sa 'kin, hindi ba?

----------------

Pagkarating ko sa bahay...
May isang bagay lang akong hinanap, ewan ko kung bakit pumasok sa utak ko na kunin ang bagay na 'yun..

Pumasok ako sa kwarto ko.
Nakita ko rin sa wakas..
Ang coffee brown na bagay na iyon sa ibabaw ng lamesa ko..

Nagtataka ba kayo kung ano?

Ang Gitara ko..
And damn, personalize nga pala 'to at nakalimutan kong may tao nga pala 'tong pinapaalala sa 'kin.
Si Christine.
Ibinigay niya 'to sa kin nung Monthsary namin..

And that was the main reason behind kung bakit ako umiyak nung Mask Party, kung tanda niyo pa.
Natapat pa kasing anniversary sana namin 'yun kung hindi siya nakipag-break sa 'kin, tapos 'yung guitar kong bago ipinahiram ko kay Gelo, yung isa pa... Sinira nang magaling kong kapatid, si West.. So no choice ako kung hindi ang gitarang iyon ang gamitin.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant