Pandora's Secret box

69 11 10
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

Series No. 31

Pandora's Secret Box

HOPE...

The only good thing that comes after the plagues.

The mystery behind?

STILL A MYSTERY!

North's Point of View

Greek Mythology. Ang title ng aklat na halos nakailang ulit ko nang nababasa pero may isang kwento ro'n na sadyang hindi ko magawang lagpasan kapag natotorete na ako. May kung ano kasi dun na exciting at kakaiba. Ang box.

--,,--,,--,,--,,--

Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng nabalitaan ko mula mismo kay Ms. Grace ang masamang balita. Nag-quit na si Peachy. Bukod doon, nakausap ko rin ang in coming Engineering sophomore na si King, umalis raw nang bansa si Melody. Pa'no ko malalaman kung sino sa kanila ang gusto ko kung parehas silang wala? Sana may iba pang paraan.

Nabuburo ako ngayon sa loob ng mukhang bodegang detective's office at nagsosolo ako ngayon dito. Nararamdaman ko na naman ang nakakairitang pakiramdam ng magsolo ka sa isang lugar nakakamatay. Ang tagal kasi ng kumag na si William, siya 'tong may sasabihin siya 'tong.....

Hay!, as usual mukhang malelate na naman siya. 'Di pa talaga ako nasanay. Hectic palagi ang schedule niya, lawyer kasi.

Wala akong magawa sa office na 'to kaya naghalungkat ako ng mga lumang files sa totoong bodega. Bigla kong naala-ala ang ten year-ago files. Kaya hinanap ko sa maalikabok na stock room ang mga picture tungkol sa kasong 'yun. The case was closed at nagbabayad na ang may kasalanan pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng 'yun. Ang babaeng minsan nang nagligtas sa buhay ko. They called them, Honey... Ewan ko, may part pa rin ako na gusto siyang makilala o makita man lang ulit kahit isang beses lang.

Hinanap ko nang hinanap ang box na naglalaman ng files na sasagot sa matagal ko nang agam-agam pero parang malabo ko nang makita pa ang mga iyon. Halos naka-sampung file box na ako kasi ako at inabot na rin nang ilang oras, pero wala pa rin ang files o kahit isang litrato mula sa kaso. Nawalan na 'ko nang pag-asa na mahahanap ko pa kaya aalis na sana ako sa restricted area na 'yon nang bumagsak ang isang box na kulay itim. Ito ang pinakamaliit at pinakakakaiba sa lahat ng kahon dito. Halos malaki lang iyon nang konte sa isang shoe box. Mula roon, naglaglagan ang mga black and white pictures. It was a decade ago, medyo fade na ang mga picture but the image felt the same. Walang nagbago. Iyun ang mga naiwang pala tandaan, a decade ago.

Sa isang record book sa pinakailalim ng box, nakasingit ang isang picture. Picture nang isang magandang babae pero may hawig kay Honey... Mukhang recent picture lang ito dahil colored na.

Ipinipikit ko ang mga mata ko pero isang pangalan lang ang naaala-ala ko.

"Mr. Angeles!" ang malalim at nakagigitlang sigaw nang kanina'y tulog na gwardiya na nasa labas ng stock room. Mukhang napahimbing ang tulog niya na kahit ang bumagsak na kahon ay hindi niya narinig. Halatang kinakabahan ako dahil sa pustura ng mukha ko ngayon.

Lumapit siya ng dahan-dahan. Bawat hakbang niya ay lalong nagpapakaba sa akin.
"Sir, bawal po kayo rito. Confidential po lahat ng files rito. Narito po kasi ang tungkol sa development nang lahat ng kaso." I knew it. Alam na alam ko, kaya nga hindi ako nagpapahalata na dito ako papasok. Hindi ko tuloy naiwasang isipin na kaya hindi ko makita ang hinahanap ko ay dahil siya pala si Honey at itinatago siya ng mga magulang niya sa akin.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora