A Mother's Agonies and Heart Aches

52 12 4
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 30

A Mother's Agonies and Heart Aches

Walang ina ang gustong nakikitang nahihirapan ang anak pero paano kung wala kang magagawa para sa anak mo? Parang himala na lang ang tanging magliligtas sa kanya. Kung kaya mo lang na akuin lahat ng sakit at hirap ninakaw mo na sa kanya pero walang kang kakayanang gawin iyon. Hindi mo kaya. 'Pag nakikita mo siyang nahihirapan, parang ipinapako at binubuhusan ka nang asido. Masakit pero dapat tiisin. Nang malaman ko ang lahat iyan ang naramdaman ko, two words to summarize all, 'AGONY' and 'HEART ACHE'.

Maree' Harrison's Point of View

We're landing at Las Vegas. 2:20 P.M. U.S. time.

Due to sudden traffic of the main roads near the airport, Harmony fell a sleep. I know that she's kinda exhausted and great ly suffered from having a vertigo and jetlag and I let her sleep. Hindi ko na siya ginising. May malapit namang family friend's Hospital dito kaya hindi na ako natakot na baka kung mapaano siya at kung anu't-ano man ng mangyari, panatag ako dahil ang hospital na 'yon ang isa sa pinakamahusay dito sa Vegas. The appearance of hospital is the same as what it looks like almost a decade ago. Huge, elegant, white. The only contrast is the garden filled with Marigold plant within the compound area. Mas pinarami pala nila. Dati kasi halos bilang mo lang 'yung Marigold. Ang sweet talaga ng batang si Justin! Tsk.. Binata na nga pala siya ngayon.

Tinawagan ko nga pala siya at sakto namang nasa condo siya malapit sa hospital. Papunta na siya in less than 40 minutes. Alam nya kasing favorite ni Hany at Chime ang Marigold kaya ipinatanim niya ang mga iyon dati, para raw gumaling agad ang Hany niya after nang heart operation nito. Ngunit hindi ko inakalang i-cuculture at pararamihin nila 'yon. Nabigla rin ako sa nakita ko at inakala ko rin na ipabubunot at ipatatanggal nya rin ang mga iyon after naming magbalik 'Pinas. Ngayon, nalaman kong nagkamali ako dahil may halos three lanes na, na panay Marigold ang nakatanim sa garden. Mas marami at mas matitingkad ang kulay pero iba-iba pa rin nang shades. Halatang inalagaan nila nang mabuti. Matutuwa talaga si Hany pagkagising niya.

The Huge hospital Facility is a Walker's property, kaya V.I.P. ang treatment ng lahat kay Harmony knowing that she's the bestfriend of the sole successor of this hospital.

Papaalis na ang kotseng sinasakyan ko. Papunta kami ni Henry sa isang out-reach program para sa mga bata. Tumatakbo na iyon mga ilang kanto ang layo sa ospital ng may tumawag sa akin. Isang unregistered number. Nag-aalangan pa ako bago ko sagutin pero sinagot ko pa rin.

"Hello..."

"Hello..." ang kaagad namang tugon sa kabilang linya.

"Tjay?" hindi ako sigurado kung siya nga iyon.

Umubo siya saglit at tumawa. " Kahit pala baguhin ko ang boses ko, marerecognize mo pa rin, Maree'"

"Oo naman!" Alam na alam ko ang timbre nang boses niya. Ang paraan ng pagtawa niya na maya-maya ay may sasabihin nakakabigla. Siya kasi ang pinakamalapit kong pinsan. Si Taze Joseph Lee. Misteryoso at mahilig manurpresa, isa siyang cardiologist.

Dati siyang heart specialist ng Saint Luke's Hospital pero lumipat siya ng base sa Las Vegas kaya nagtayo siya nang heart clinic. Hindi ganu'n kasikat gaya nang ospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Justin pero alam kong magaling siya, he is the best among the best in his field. Harvard cum laude graduate kasi ang halos lahat ng mga pinsan ko, isa siya sa kanila. Ayaw niya lang sa mas malalaking ospital ngayon, masyado raw 'toxic'. Mukhang may trauma pa rin siya dahil halos lahat ng pasyente sa ospital na dati niyang pinapasukan ay siya ang hinahanap.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt