A minute late

12 10 0
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

Series No. 34

A minute late

It's been a year since my last update. I never thought of continuing this story because everytime I think of it, my heart starts to shatter. Maybe because of the heavy tragedy that it implies. BUT then again, thank you for your tireless support.

- Anneriche

P.S. LhorraineBarrera, heto na yung matagal na update.. ;) <3
Sorry, ngayon lang ako nagkatime.
Nakabind na yung thesis ko ngayon. :)

Justin's Point of View

Nang makaalis sila ay napatitig na lamang ako sa pinto kung saan lumabas ang mag-anak.

Ganu'n na lamang ba kadali para kay Tita Maree' ang lahat? Alam kong hindi tamang husgahan ko siya dahil alam kong isa siya sa pinakamabuting ina at pinakamabuting taong nakilala ko.

God knows how good she is. Pero sa iniaalok nya sa akin, it costs Harmony's happiness knowing that our feelings is not mutual and her condition is at stake.

Ilang minuto rin ang nakalipas at nakatulog ng muli si Hany. Wala pa ring nagsasalita sa amin ni Tita para kaming naglalaro ng pakiramdaman, kung sinong unang bumitaw, siyang....

Nabasag bigla ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko ng magsalita si Tita. Natalo siya.

"So, are you going to grab the chance? Is it a deal?"

Sinasabi ko na nga ba at itatanong nyang muli iyon.

Tiningnan ko ang anghel na mahimbing na natutulog at saka binalingan si Tita. Ngumiti siya. Iyon ang signature smile nya na parang may mahika kaya nagagawang mapasunod ang lahat ng nasapaligid nya.

Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata nya kaya napilitan akong kumalas sa pakikipagtitigan sa kanya. She's desperate.

"It's a great deal,Tita but....." Naningkit ang mata nya na parang sinusuring mabuti ang mga susunod kong sasabihin. "...... Let me think first. I have to go."

Ngumiti lang siya at pinanood akong maglakad palabas ng kwarto ni Hany.

VVIP ROOM

Ang nakasulat sa pinto ng kwartong inalisan ko. Pagmamay-ari namin ito ngunit may shares din si Tito Tjay. Matagal na rin ang serbisyo ng ospital na ito, I was 8 years old back then when my dad designed the hospital and consult my mom about this project. They agree to build the structure according to the plan and here I am, standing in this building and looking at the miniature model of the whole hospital in the lobby.

I'm about to wish that I can go back to that time when I was an 8 year-old kid who always take care of his nosy, spoiled and stubborn bestfriend. Sana kaya kong ibalik 'yon.

Sa totoo lang, nakatutuksong tanggapin ang alok ni Tita. Alam ko kasing kaya kong alagaan at mahalin si Hany pero iyon ang masakit. Kaya mo pero hindi ikaw ang makapagbibigay ng kasiyahan nya.

Halata naman na si Herald ang mahal nya. Alam ko iyon dahil naroon ako ng mga panahong magkasama sila. Naroon ako pero wala ang presensya ko dahil ayokong makigulo.

Lumabas ako ng ospital ng makita ko ang isang kahina-hinalang kotse na nasa tapat ng ospital namin. Sino namang mag-iiwan kotse sa tapat ng ospital?

Wise people knows na hindi iyon parking. Who the hell can be that idiot?

"Sir, wag po kayong lumapit dyan!" Sigaw ng guard at kinapitan pa ako palayo na parang hindi siya sigurado kung tatalima ko sa babala nya.

"Bakit ba may kotse dyan?"

Iling lamang ang naisagot nya.

"May nakita ba kayong lumabas ng kotseng iyan?"

"Kanina pa po iyan dyan pero wala namang nababa. Akala ko nga po ay sa inyo dahil ang lakas makapagpark sa harap ng ospital." dire-diretso nyang tugon.

Napakapranka nya at walang takot kapag nagsasalita kaya hindi ako nagtataka at kinuha agad siya ni dad na maging head security ng ospital na ito.

Tinanaw ko mula sa malayo ang kotse ng mapansin kong wala iyong plaka.

Tumunog ang cellphone ko kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tumatawag sa akin. Parang may hindi tama.

Tiningnan ko ang caller.

UNKNOWN NUMBER
*Calling*

Sinasabi ko na nga ba!
"Hello, who's this?" Gamit ang mala-yelo kong boses.

"Do you got my gift?" Tumatawa pa siya sa kabilang linya. Where in the hell is these caller located?

"What gift? I didn't receive any gift." Pagtataka ko. Mas lalo namang lumakas ang mala-demonyo nyang pagtawa.

"Car.." Pabulong nyang sabi. Naguguni-guni ko kung paano nanlisik ang mga mata nya ngayon.

"What car are you refering to?"

"As if you don't know? I saw your panicking eyes straight from where I am." Tumawa na naman siya.

Inilibot ko ang tingin ko.
"Ano pong nangyayari, Sir?"

Umiling na lamang ako para hindi siya mataranta.
"Sigurado po ba kayong walang problema?" He squinted.

"Oo naman." I lied.

Ibinalik ko ang pansin sa prank caller at sa mensaheng itinext nya sa akin.

"Unwrapped the gift and you'll see. It's boom.." May smiley face pa.

"Anong ----"

Hindi pa ako nakatatapos sa pagsasalita ng makarinig ako ng isang malakas na pagsabog.

Nagring muli ang phone ko at dalian kong sinagot ang tawag mula sa impyerno.

"Do you like my present for you? It's a boom... Later, it will become a shoot!" Tumawa siya at pinatayan ako.

"Psychopat!" Inis kong sabi.

"Sir?"

"Isang baliw ang may kagagawan ng lahat."

"Ha?" Kumunot pa ang noo nya na parang nagtatang kung paano ko nalaman.

Dali-dali namang rumesponde rito ang mga pulis at ipinaubaya ko na ang tungkol sa bombing.

"Officer, I have a number to trace. I'd give it to you."

Ibinigay ko ang number at daliang nagtatakbo nagpunta sa kwarto ni Hany.

*Shoot*

Ang sound message na ipinadala nya na nagpatakbo sa akin papunta rito.

Kalapit na ako ni Hany kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Gising na siya.
"Bakit hapung-hapo ka? Is there something wrong?" Pinanliitan ako ng mata ni Harmony na parang bina-background check kung anong nangyari kanina.

"Ah, wala. Okay lang. Walang namang nangyari." Para akong engot na patuloy na nagsisinungaling.

"You're not good at it. Nice try, Mr. Walker." Sabi ko na nga ba't malalaman nyang nagsisinungaling ako.

"Hindi ako nagsisinungaling!" Halos mapasigaw ako ng napatingin ako sa kanya.

"Oh, sure. You're lying." Tumawa pa siya.

Ang galing magpaamin. Nareverse psychology na naman ako.

"Nakarinig ka ba ng mga gun shot?"

"Nope but..." May itinuro siya sa pinto kaya kaagad akong lumapit doon. ".... I had saw one slug there, maybe a minute before you arrived."

Nakita ko nga ang bala ng dalawang baril sa sahig at may isang butas sa pinto. Mukhang sharp shooter ang may gawa nito dahil ni hindi ko napansin ito ng pumasok ako.

Two bullets sa isang butas sa pinto? The suspect is so interesting!

The thought wonders around my head but something pins me. If I was a minute late and the culprit decided to kill Hany, maybe she's dead by now.

Mabuti na lamang at hindi tinotoo ng salarin ang balak nya.

I sigh.

"Okay ka lang ba, Justin?" Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nya.

Kinabahan akong bigla sa kaligtasan nya.

'Ano kaya kung tanggapin ko ang alok ni Tita Maree'?'

Umiling ako. That won't change a thing. Sa higpit ng security sa ospital na ito... Oh, wait!

"Nasaan ang mga body guards mo?" Kumunot ang noo nya.

"Sina Kuya Yuri, pinagmiryenda ko muna. Ayaw pa ngang umalis, eh. Sinabi ko lang na ipatatanggal ko sila." Tumawa pa siya.

Ang tigas talaga ng ulo nya. Ayaw nya ng may nagbabantay sa kanya pero napakalapitin naman sa disgrasya! Kailan ba siya mag-iingat, kapag pat--....

No! It can't be. Ayoko. Hindi maaari!

Lumabas ako ng kwarto ni Hany at idinial ang isang number. Sana ay makatulong siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now