Secrets are perfectly HIDE

78 13 2
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 25

Secrets are perfectly HIDE

Secrets were commonly made by those who is coward and weak. Usually, we think that those people who is secretive and pretentious is unkind. Either we admit it or not, all of us had their own secrets, maybe we keep those facts or details for our personal concern or for the sake of the one we love.

But we just have to firmly accept that, perfectly concealing truths and convictions, was the hardest and the most impossible thing for us to do.

Why?

'Cuz all secrets are meant to be reveal at the right timing..

---------

Yuri's Point of View

(A/N: Para sa kaalaman ng lahat ng readers, siya yung Butler ni Harmony)

Hindi ko inaakalang sa tinagal-tagal ng panahon ay dito ko pa makikita ang batang ito. At dito pa talaga sa lugar na ito, yung lugar na pinaka hindi ko inaasahang makikita ko siya.

Kaya sinundan at sinubaybayan ko siya at katulad ng inaasahan ko, gaya rin siya ng ibang ordinaryong estudyante, ang pinagkaiba lang, eh yung hindi siya ordinaryo. Natuklasan ko rin kasi ang pambihirang talino na meron siya.

Mga ilang oras ko siyang sinundan.

Nagulat ako nang dalhin niya ako kay Melody!

Marahan siyang lumapit. Ngunit sa di kalayuan ay naririnig ko ang usapan nila. Inutusan kasi ako ni Sir Henry na kabitan ng device si Melody sa damit niya para raw maprotektahan ko ang anak niya.

Tahimik akong nakinig sa usapan nila kahit na alam kong labag 'to sa privacy of communication.

"Kahit anung gawin mong pagkausap dyan sa mga paru-parong 'yan, hindi naman magreresponse ang mga 'yan..." narinig kong sinabi ni North.

Tama, siya yung batang nagkalag ng tali namin noon.

"B-bakit ka nandito?" pagtatanong ni Melody.

"Wala naman, napadaan lang ako, tapos nakita kita at sa palagay ko I'm in right timing kase kung nahuli-huli ako ng konte baka natuluyan ka nang mabaliw.!" naku, sinabihan nyang nababaliw si Melody? Siya ang mas nababaliw! Bugbugan na 'to!

"Sama namang 'neto.." 'yun lang 'yun? Walang sapak?

Tumawa lang si North. Ano kayang ginawa niya kay Melody para di siya sapakin?

"Seriously, ano ba 'yung mga kinukwento mo dyan sa paru-paro? Sa 'kin mo na lang i-kwento baka matuluyan ka pa, sabihin nila di kita pinigilan.."

"Ah, wala. Baliw na talaga ako." sinakyan pa niya ang loko. Himala 'to!

Lalapit na sana ako dahil baka tinatakot lang siya ni North kaya di siya makapalag. Muntik ko nang makalimutang nagpapanggap nga pala siya.

"Sige na, makikinig ako." narinig kong sinabi ni North.

Nakita ko ring inilabas ni Melody ang kwintas at tinanggal iyon sa leeg niya at ipinakita sa kanya.

"Ah, ito 'yun. Binigay 'to sa 'kin ng Nanay ko nung nagbakasyon kami sa Bagio." totoo yung sinabi niya dahil isinama nila ako dun.

"Ganu'n pala..."

Bigla natulala si North sa kwintas at kinuha iyon sa kamay niya.

"Bakit may naaalala ka ba sa kwintas na 'yan?" nacucurious na tanong ni Melody.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now