Orchestra's Strange DISASTER

82 13 3
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 19

Orchestra's Strange DISASTER

"Hmmm..." I keep on yawning.

It's just a dream, I thought it was true.....

*ting-ting... Ting-ting* the sound of the Chime hanging in the glassdoor.

"Ate..."

Naala-ala ko na naman ang mga ngiti niya.

Kada babangon ako dahil siya ang gumigising sa akin tuwing umaga pero wala na siya at alam kong hindi na siya babalik kahit kelan. Pero hindi siya magiging masaya kung makikita niya akong ganito ngayon.

Bumaba na ako sa kama ko at naghagdan pababa para pumunta sa kusina.

"Oh, Ma'm Hany, you're awake?" nagtatakang tanong ni Yaya Val.

"Opo, yaya.."

"Do you want to eat?"

"Nope, maybe later po.."

"Okay then.."

Papaalis na sana siya nang muli akong nagsalita.

"Yaya..??"

"What'?" lumingon siya.

"Yaya.."

"Huh, what's wrong??" lumapit siya sa akin.

"Why is that? Why do people need to suffer? Why do people need to remember those times that can't be back? Why is that so?" I asked curiously out of nothing.

"Baby, you know, in life, we do need all of that. The hardships and pain, it is just a part of being a well-being so we need to pass through all of it. We can never scape. But do you know there is something that makes it wonderful?"  Halatang marami na siyang naranasan.

"There is something good at it? Is it possible?" takang-takang tanong ko.

Tumango siya at ngumiti sa akin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang sincerity ng bawat salitang binibigkas niya.

"Kung hindi natin mararanasan ang lahat ng hirap, hindi natin mararamdaman ang gaan sa pakiramdam nang ginhawa. Kung hindi natin mararanasan ang pait, hindi natin makikita na may mga tao pala na laging nasa tabi natin at palaging umaalalay, yung essence rin nang pagiging tao ay maglalaho kung di natin mararanasan 'yun. Kailangan rin nating daanan ang lahat ng sakit para alam natin ang kahalagahan ng bawat kasiyahang matatanggap natin pero tandaan mo, kaya tayo napapaharap sa mga pagsubok ngayon ay dahil may mas mabigat pang darating bukas, pero kung magpapatalo ka ngayon palang, sa tingin mo, may chance ka pang manalo?" medyo napa-isip ako dun.

"You're right, Yaya" niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"Ipinaala-ala sa atin ang mga pagkakataong hindi na natin maibabalik pa dahil dito tayo makakakuha ng lakas para maharap ang bigat ng bukas at hindi na natin ulitin pa ang mga pagkakamaling iyon nang lumipas at para na rin ipaala-ala ang aral mula sa nakaraan. Siya, baby, dito ka na may gagawin pa si yaya."

"Salamat, yaya." Salamat...

Akala ko puro jokes lang ang alam ng yaya kong 'to. May pagka-quote creator din pala siya. Grabe, nainspire ako sa mga sinabi niya.

--------------------

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa couch, 6:00 am na 'ko nagising.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon