A Decade of Memories

76 13 2
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 23

A DECADE of MEMORIES

I am brave, no she's more than mine
She never cry in front of people
She never let everyone to see her flaws and weakness
though she had decided to hide, to lie
But what those tears coming from her eyes indicate now?
I know...
Yes, She have her flaws and weakness
Lately, her strength were reduced
She need some help!
She calls for someone
Anybody out there
Yet no one came for her
That's how miserable she is
If I came that late....

-------------------

Mystery Point of View

Mga 10 taon na rin ang nakakalipas simula nang mangyari lahat ng 'yon. Ang akala nilang katapusan na nila at inakala nilang mawawala na siya nang tuluyan.

Sino ba namang makakalimot sa mga kaganapang hindi mo inakalang makikita mo? Nakalulungkot isipin na ang mga pangyayaring ganito pa ang maaala-ala mo.

Hindi ba pwedeng yung masasaya na lang?
Kung may kakayahan lang ang utak ko na kusang mag-erase ng mga masasakit, masasaklap at pangit na memories, ginawa ko na sana, matagal na, para hindi ko na maala-ala ang pangyayaring 'yon.

Hayaan ninyo akong ikwento ang nangyari , once upon a summer, 10 taon bago ang kasalukuyan.

---------------

Bagong lipat kami noon sa dati naming bahay. Kauuwi lang kasi namin noon galing States.

Nagustuhan ko kasing mag-aral sa isang school dito sa Pilipinas. Wala lang, 'yung university kasing 'yon yung itinuro ng boteng pinaikot ko at nang hintuturo ko nang magmini-mini minimo ako.

Kakaiba yung pagpili ko nang school, panalo!
Ayoko lang kasi ng bias. May mga school kase sa U.S. na kumukuha sa akin as scholar; ilan lang sa mga sikat na university na ito ay ang Maryland, New York, Harvard at Oxford. May mga international school pa na sa sobrang hahaba nang pangalan ay 'di ko na matandaan, marami kasi.

So in short, matalino ako. Ah, hindi pala. ABNORMAL AKO!, Sabi kasi nila, hindi above average ang I.Q. ko dahil superior level of intelligent ang meron ako, kung baga, mani lang lahat para sa 'kin. Para nga sa iba, isa akong makina. Halos perpekto kung iisipin.

Kaya hindi maiiwasang may mga magalit at mainggit sa gaya ko.

Bahala sila....

Choice nila 'yun, eh. Anong magagawa ko?

----------------

Bumalik tayo sa topic, ganoon nga...

Naglalakad ako paikot sa palibot ng bago naming mansion nang may putok nang baril akong marinig. Kaya lumabas ako sa main gate sa harap ng bahay.

Natagpuan ko roon ang Daddy ko habang nakaluhod at hawak-hawak ang tiyan nya, nang may mapansin akong dugo sa kamay niya.

"Dad, what's wrong?"

"Nothing, son..." hindi ako naniniwala sa kanya dahil sa dugong napansin ko.

"Your bleeding, Dad.."

"I know, I love you, son."

"I love you too, Dad.." Niyakap ko siya. Ngumiti siya bilang ganti.

"Umm... Son?"

Umupo siya sa harapan nang gate. Nakahawak pa rin siya sa tiyan nya.

"Please son, don't let anyone be hurt. If you know you can help, then do it."

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now