Shooting Star

60 13 3
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 27

Shooting Star

Harmony's Point of View

Nakakainis lang talaga kapag may mga babaeng lumalapit sa kanya. Naninikip ang dibdib ko kapag nakikita kong ngumingiti siya sa iba. Ayoko rin kapag nakikita ko siyang may kausap na ibang babae maliban sa akin o kay Melody. Ako nga rin pala siya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

"Posible ba talagang magmahal nang dalawang tao nang sabay?"
Iyan na yata ang pinakamahirap na tanong na napaharap sa akin, mas malala pa kaysa sa Math exams, Trigo at Arithmetic.

Kasi hindi lang utak ko ang kasangkot dito kundi pati na rin ang napakahina kong puso. Minsan nga, natatakot akong magmahal kasi baka hindi kayanin nito at bumigay na nang tuluyan. Mahirap at nakakatakot 'yung ganito kasi baka isang araw hindi ko na namalayan na tumigil na pala ito sa pagtibok.

Pero ngayon, mukhang dumating na ang araw na kinatatakutan kong mangyari, ang magmahal. Pero mas malala pa roon ang nangyari dahil mukhang tumitibok ang puso ko para sa dalawang tao-- 'yung mga tao pang sigurado akong hindi ako magugustuhan kahit anong gawin ko. Ang sakit lang kase dahil alam na alam ko 'yun.

Naalimpungatan ako nang dumating na si Kuya Yuri.
"Hany?" ngumiti siya sa akin habang naglalakad papalapit.

"Kuya..." gamit ang pinakamahina kong tinig ngunit sapat na para marinig niya sa ganoong distansya.

Hinimas niya agad ang ulo ko pagkalapit na pagkalapit niya.
"Kuya naman, malaki na 'ko, noh.."

"Asus, dalaga na talaga ang kapatid ko..." kapatid talaga ang turingan namin ng favorite butler ko. Halos sabay kasi kaming lumaki ni Butler Yuri.

"Tsk... Tingnan mo tuloy, nagulo yung buhok ko." Hinahaplos niya kasi na parang ako yung alaga niyang aso.

"Hahaha..." tumawa lang siya sa reaksyon ko. Lagi naman siyang ganyan, eh. Pero ayos lang naman sa akin.

Nang mahimasmasan na siya mula sa pagtawa, bumalik na naman ang seryoso niyang mukha.
"Bakit mukha kang iritable kanina? Parang semana santa ang postura nang mukha mo. Saktong sakto sa buwan, ah"

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Mukhang nasa hot-seat na naman ako at malamang sa hindi ay buking na naman.

"Wala 'to, mainit lang kase..." agaran kong sagot nang hindi tumitingin sa mga mata niya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nawala ang seryoso niyang mukha at tumawa lang siya. Hindi naman ako clown pero kung makatawa siya, wagas!
"Tsk... Kaya ka ba naiinis ay dahil sa kanya?" Ang turo niya sa lalaking papalabas nang pinto ng bar.

Tinaasan ko lang siya nang kilay at nang papalapit sa amin yung lalaki ay kaagad kong kinapitan ang kamay ni Kuya at inilagay sa balikat ko. Aalisin niya sana ang sapilitang akbay-moment namin nang bigyan ko siya nang pamatay at famous death glare ni Harmony.Tatawa-tawa pa siya nang dahil doon. Maya-maya pa ay lumampas na sa amin si North. Salamat na lang at hindi niya ako napansin.

Naririnig ko ang mahina niyang hagikhik kaya siniko ko siya, mahirap na, baka mabuking at makita pa ako ni North. Nang makita kong papalapit na siya sa parking ay nakahinga na rin ako ng maluwag at ilang saglit pa ay sumakay na rin ako sa kotse at kinaladkad ang natatawang si Butler Yuri papasok sa loob nang driver's seat at ako naman ay pumunta na sa likod at umupo sa passenger's seat.

"Tss... Dalaga ka na talaga, Ma'am Hany..."

Nginiwian ko siya, eh ano bang tingin niya?
"Hay, naku... Tumahimik ka na nga lang, naiistress na 'ko." Ang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa salamin sa may bubungan nang kotse.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now