Kabanata 1

2K 202 45
                                    

Kindly Read Moondust book 1 before reading Moondust The lost chapters.
Kung nabasa nyo na yun edi thank you.



Jaydee's POV

"Salamat sa napaka gandang istorya na binuo mo kasama ko Amy, alam ko na hindi pa dito natatapos. Ipangako mong mananatili ka parin hanggang dulo"

"Pangako Jaydee, pinapangako ko"

Pinagmamasdan ko lamang ang mga mata nyang nakatitig sa akin. Sinasamantala ang oras na hindi pa namin kasama si Luna.
Habang buhay kitang mamahalin Amy, kayo ni Luna.
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Maligayang pag uusap" Isang tinig ang nagpatigil sa dapat kong gawin.
Nilingon naming dalawa ni Amy ang nag salita.

"Sinasabi ko na nga ba at ikaw iyan, isa ka talagang malaking hadlang Gia" inis na tono ngunit may halong biro mo Amy. Tumayo kami at inalalayan ko sya. Habang si Gia nasisiyahan sa aming dalawa.

"Kay init nanaman ng ulo mo sa akin Señorira Amanda, sana lamang talaga at hindi nagmana sa iyo si Luna" sambit nito. Naglakad kami palapit sa kanya.
Hinawakan ko ang balikat nya habang sa kabilang kamay ko ay hawak hawak ako ang kamay ni Amy

"Huli ka na sa balita Gia, batid kong kay Amy sya nagmana" wika ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik ng mansion.

"Kung ganun ay nais ko sanang hiramin si Luna, ng sa ganun ay hindi mahawaan ng kasungitan ni Amanda" sambit nito.

"Nais mo bang matikman ang palad ko Gia? Hindi laruan ang anak ko para hiramin mo" sagot naman ni Amy.
Batid ko naman na nag aasaran lamang sila. Maya maya ay mapupunta na din sila sa matinong usapan.

Habang palapit kami ng mansion ay tanaw na mula rito si Luna, masayang nakikipag laro kay Francese.
Nang masilayan nya si Amy ay agad syang tumakbo palapit sa direksyon namin. Sinalubong naman sya ni Amy.

Naiwan kaming nakatayo ni Gia habang pinagmamasdan sila.

"Di ko lubos maisip na magkakaroon ng isa pang Amanda sa mundong ito Jaydee." Natatawang sabi ni Gia. Tumingin sya sa akin habang nakangiti lamang ako sa kanya.
"Masaya ako para sa iyo aking pinsan, lahat ng ito ay nararapat sa inyo"

"Madami ring nangyari bago ko tayo naging masaya Gia, maraming salamat sa pananatili mo, ninyo para sa akin"

"Dahil hindi mo din ako pinabayaan Jaydee. Batid ko na itigil na natin ang pagdadrama na ito. Nais ko din makalaro si Luna" sambit nya. Hinawakan ang balikat ko tanda ng pagpapaalam na lalapit sya kay Luna.

Ngayon ay narito kami sa hapag.
Si Papa ang nagpasundo kay Gia at Ella sa Isla.

"Nais ko sana na narito din si Dana ang matalik mong kaibigan Jaydee ngunit may roon syang inaasikaso." Paliwanag ni Papa. Si Dana ay nagtatrabaho sa Unibersidad na pag aari namin.

"Ayos lamang iyon Papa, siguro sa mga susunod na araw ay dadalaw kami doon ni Amy" sagot ko.

"Tamang tama at maiiwan sa akin si Luna" matutuwang wika ni Papa.

Tahimik kaming kumakain kasama ni Papa. Si Lolo ay nasa itaas at nagpapahinga. Lumilipas ang taon at nadadagdagan ang edad. Nakahanda kami sa kung anong pwedeng mangyari kay Lolo dahil sa mga kinikilos nya nitong mga nakaraang araw.

"Kumain lamang kayo diyan at may kailangan akong asikasuhin sa kabilang bayan. Laney, Jaydee kayo na muna ang umasikaso sa mga bisita ninyo" paalam at bilin ni Papa.

"Maraming salamat po Don Nikollo" sambit ng mga bisita namin.

Nang makaalis na si Papa, nagtitinginan lamang kaming mga narito sa lamesa.
Hindi ko mabasa kung anong gusto iparating ng mga tingin ni Gabrielle, nilingon ko si Gia sa tabi ko at nakita kong hinampas ni Ella ng bahagyan ang kamay nya.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now