Kabanata 6

797 144 14
                                    

Amanda's POV

Gumising ako na wala sa tabi ko si Jaydee, ni hindi ko nga alam kung dito ba sya natulog sa tabi ko.
Himala din at hindi ako ginulo ni Luna ngayon, agad akong tumayo para puntahan sya sa silid nya.
Ngunit wala sya doon.
Siguro ay nasa ibaba lamang.

"Gising ka na pala Amanda" si Laney, nasa sala sya at nagbabasa.

"Wala ka yatang pupuntahan ngayon" sambit ko sa kanya.

"Masama ang pakiramdam ko, nais ko sanang sumama sa pamamasyal ni Daryll at Danielle kasama ang pamilya ni Daryll ngunit hindi kaya ng katawan ko"

"Kung ganon bakit naririto ka at hindi sa iyong silid"

"Kailangan ko lamang tapusin ang mga ito" pinakita nya ang ginagawa nya.

"Si Luna nakita mo ba ?" Tanong ko, hindi ko na itatanong kung nasaan si Jaydee kung nasaan man sya ngayon ay lintek sya. Ni hindi marunong manuyo.

"Kasama ni Uncle Nikollo" sandali syang nag isip tila may inaalala.
"Sa Hacienda Pinlac"

"Bakit hindi sinabi sa akin?"

"Marahil dahil kasama ang asawa mo Amanda"

Agad akong umakyat ng silid upang magbihis,
Sa pagbaba ko ay sya naman pagakyat ni Laney tila hirap pa ito sa pag lakad.
Hindi naman ako ganun kasamang tao kung kaya lumapit ako sa kaniya upang alalayan sya.

"Hayaan mong tulungan kita" sambit ko sa kaniya. "Kung bakit ba iniwan ka ng asawa mo"

"Hindi pwedeng ipagpaliban ang araw na ito kung kaya pumayag na lamang akong" Sambit nya habang inaalalayan ko sya.

"Salamat Amanda" pilit nyang ngiti sa akin.

"Magpagaling ka Laney" sambit ko at hinawakan ang balikat nya.

Ngumiti naman sya sa akin bago ako lumabas ng mansyon.

"Malapit na pala kayong muli ni Laney" si Gabrielle, nilingon ko sya. Napaka daming istorbo sa mansyon na ito nais ko lang naman puntahan ang anak ko.

"Tinulungan ko lamang dahil wala ang asawa nya upang alalayan sya"

"May sakit din ba sya noong isang araw na nakita kitang lumabas sa silid nya?"

"Naroon si Daryll sa silid nila ng makita mo ako doon Gabrielle"

Lumapit sya sa akin at ngumiti.
"Kausap sya ni Coleen ng mga oras na iyon Amanda" bulong nya sa akin at tuluyan akong nilagpasan.

"Amanda" tawag nya pa sa akin. At ito nanaman ako lumingon nanamn sa kaniya.
Talagang inaabala mo ko Gabrielle.

"Ano?" mataas na tono ko.

"Wala, mag ingat ka" sambit nya bago tuluyang umalis.

Hindi ko nais na sabihin ito ngunit sana ay hindi na lamang bumalik ang mga taong minsan ng umalis.

Nang makarating ako sa Hacienda Pinlac, sinalubong ako ni Doña Emily.

"Amanda, mabuti at napadalaw ka" sambit nya. Narito ang anak at asawa ko sa mansyon ng anak nyo. Kung kaya andito ako.

"Magandang umaga po Doña Emily" bati ko nalang sa kanya. Kailangan nating manahimik at kumalma Amy.

"Tama lang ang dating mo, nagmemeryenda na sila, halika" aya nya sa akin. Ayoko ng pagkain, ang nais ko ay si Jaydee, at si Luna.

Pagpasok namin ng mansyon nakasunod lamang ako kay Doña Emily.
Lumapit naman sa kanya ang tagapagsilbi nila at may pinapaliwanag.
Ano hihintayin ko kayong matapos mag usap?

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now