Kabanata 2

905 154 28
                                    

Jaydee's POV

Pagkatapos kong maligo at gumayak, humarap ako sa salamin upang ayusin ang sarili ko.
Napangiti ako ng yumakap si Amy sa likuran ko.

"Matatagalan tayo kung hindi ka bibitaw sa pagkakayakap mo" malambing kong sabi.

"Jaydee" tawag nya sa akin.

Humarap ako sa kanya.
"Napaka ganda mo Amy, araw araw akong nabibighani sayo"

"Araw araw, hindi ba dati ang sabi mo'y kada minuto" inis na sabi nya sa akin.

Hinawakan ko ang magkabikang pisngi nya,
"Ano pa man ang sabihin ko, paulit ulit parin akong nabibighani sayo mahal ko"

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi nya, kabisado na kita Amy.
Inaayos nya ang kasuotan ko sa may parteng nakusot.

"Kung wala ako, marahil ay hindi mo pa makikita na ganiyan kagulo ang pagsuot mo sa baro na iyan" sermon nya sa akin.

Isang halik sa noo nya ang binigay ko, na ilang minutong nanatili.

"Sa akin ka lang Jaydee, ipangako mo" malambing nyang sabi.

Inalis ko ang pagkakahalik sa noo nya.
"Wala ng ibang bagay pa na makakapag hiwalay sa atin Amy"

"Tayo na sa labas, hinihintay na nila tayo" sambit nya. Tumango ako at sabay na kaming lumabas ng silid.

Nang makababa kami ay naririto na sila at naghihintay.
"Si Ella ang may hawak kay Luna, habang nilalaro ni Gia"

"Parang kailan lang anak nila Sela ang inalagaan natin, ngayon may tatlo ng dumagdag" mahina kong sabi kay Amy.

"Ang batang iyon, ayaw sa akin" sambit nya.

"Gusto naman sa iyo ni Luna" sagot ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay nya at naglakad ng tuluyan palapit sa kanila.

Paglapit namin ay sumama agad si Luna kay Amy at yumakap ng mahigpit.

"Gusto talaga sa mga masusungit Luna" sambit ni Gia.

"May sinasabi ka Gia?" Sabat ni Ella.

"Alam nyo kayong dalawa, kagabi pa kayo hindi ako makatulog sa pagtatalo ninyo. Di na ako magtataka kung buong Isla nabubulabog sa inyo ni Ella" reklamo ni Francese na katabi lang nila.

"Luna" hindi klarong pagtawag ni Danielle kay Luna. Agad naman tumingin itong anak ko sa kanya.
Tinuro ni Danielle si Cali na buhat ni Gabrielle.

Pinakita ni Luna ang braso nya kay Danielle, sila lang ang nagkakaintindhan sa pinag uusapan nila.

"Tama na ang kwentuhan mga bata, hindi namin kayo naiintindihan" si Daryll.

Pumasok na sila Gabrielle sa mga sasakyan nila. Iisang sasakyan nalang ang sinakyan nila.
Nais din sana namin na dito nalang si Gia at Ella pati si Francese ngunit hindi kasya sa loob.

Nauna silang umalis, sa Hacienda Trinidad ang tungo nila susunod na lamang kami.

"Magkita na lamang tayo sa Hacienda Trinidad" sambit ko.

"Mag ingat kayo" si Gia.

Sa likod umupo si Amy at Luna, hindi sila pwede dito sa tabi ko. Tahimik lang si Luna buong byahe at nakatingin lamang sa mga dinadaanan namin.

"Nasabi naba sayo ni Ella, Jaydee?"

"Ang alin? Sa tingin ko ay hindi pa"

"Nais makita ni Tatay Jose si Luna. Ilang buwan na din kasi noong huli tayong pumunta doon"

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now