Kabanata 36

731 49 36
                                    

Jaydee's POV

Sa paglipas ng bawat araw, linggo at buwan na kasama ko si Francese mas lalo ko pa syang nakikilala at mas lalong minamahal.
Kasabay ng pagsisimula namin, ay paglimot sa masasaya at mapapait na ala ala namin ni Amy. Hangad ko nalang na kung nasaan man sya ngayon, mahanap nya din ang saya kahit sa piling na din ng iba.

Maayos na ang lahat, ang samahan ng Hacienda Pinlac, Villaruel, Skribikin at Sañosa, maging ang Hacienda Isidto. Nakapag usap na ng maayos si Papa at Don Alejandro. Kinausap ko na din si Don Alejandro tungkol sa kung anong meron sa amin ni Francese.
Batid ko na paunti unti naman natatanggap nya ito.

Isa nalang ang kailan man hindi na pwedeng maayos, ang kasal namin ni Francese.

Ganun pa man, hindi ko na nais na mangamba sya dahil lamang sa isang kasulatan na maging si Amy ay binaon na sa limot. Sapat na sa amin si Luna.

Patungo ako ngayon ng Hacienda Pinlac, naroon na si Francese at Luna dahil kagabi dumating sila Ella at Gia. Hindi lamang ako nakapunta kaagad dahil may inasikaso pa kami ni Gabrielle.

Nakarating na ako ng mansyon, naabutan ko si Don Franklin na kausap ang isa nilang tagapagsilbi.
Tumigil ito ng makita ako.

"Jaydee" nakangiti nyang sabi at lumapit sa akin.

"Magandang umaga po Papa." Bati ko sa kanya.

"Nariyan na sila si Ella at ang pinsan mo.  Naroon din si Francese sa itaas. Sya nga pala sinabi ni Emily si Luna, babalik sila bago magtanghalian." Paliwanag ni Don Franklin.

"Wala pong problema Papa, aakyat na ako" paalam ko sa kanya.

Nasa silid sila ni Ella, nakabukas ang pinto kung kaya nakatayo lamang ako sa labas habang pinagmamasdan si Francese na hawak ang anak nila.

"Jaydee, good morning." Bati ni Gia sa akin.

"Oh? Natuto na ng wikang banyaga" pabiro ko, lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"Kay tagal nating hindi nagkita, madami kang dapat ikwento sa akin. Huwag mong pansinin ang pananalita ko, nasanay lamang sa mga tao sa ibang bansa" masaya nyang tono.
"Salamat Jaydee." Dagdag nya, tila naluluha pa.

Hinawakan ko sya sa balikat, bahagya kong tinapik ang balikat nya.
"Walang anuman pinsan ko." Yumakap nanaman ito sa akin.  "Sandali nga, maari bang anak mo muna ang harapin ko?" Reklamo ko.

Natawa na lamang kami, maging si Ella dahil sa kinilos ni Gia.

"Masaya ako para sa inyo Ella." Bati ko kay Ella bago lumapit kay Francese.

"Salamat Jaydee, at sayo Francese."

"Walang anuman Ella" sagot namin ni Francese.

Pinagmasdan ko ang sanggol napakahimbing ng tulog nya. Sa totoo lamang hawig sya ni Gia.

"Buti na lamang at kamukha ni Ella" pabiro kong sabi.

"Sobra ka naman, wala man lang nakuha sa akin?" Reklamo ni Gia.
Natawa na lamang ako sa kanya, paniwalang paniwala.

"Lalaki sya Jaydee." Mahinang sabi ni Francese, di rin maitago ang saya nya habang hawak ang sanggol.

"Anong pangalan nya?" Tanong ko habang pinag mamasdan parin ito.

"Gael" sagot ni Gia.

"Buong pangalan" dagdag ko.

"Gael Gideon Amat Muse. Sinunod namin sa yumaong tatay ni Gia ang pangalawang pangalan nya." Paliwanag ni Ella.

"Bibinyagan mo ba Jaydee ? Kay gandang pangalan hindi ba, syempre ako ang nag isip." Pagmamayabang ni Gia.

"Hindi ko bibinyagan ngunit ako sa ang sasagot ng binyag nya Gia. Sapat na ba yun ?" Tanong ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now