Kabanata 13

522 91 16
                                    

Amanda's POV

Pinagmamasdan ko si Luna na natutulog habang katabi si Laney na natutulog din, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Laney at gumawa ito kahapon ng bahay dito sa puno para kay Luna. Natutuwa ako sa mga pagbabago nya, paunti unti ay nalalagpasan at natatanggap nya ang pagkawala ni Daryll at Danielle.

Marahil ay nakikita nya si Danielle kay Luna, kung kaya ganito nya na lamang bigyan ng atensyon si Luna. Habang si Jaydee na kada oras hinahanap ni Luna hanggang ngayon ay wala pa.

Tumayo ako upang magtungo sa labas ng bahay sa puno na ito.
Katulad ng dating ginawa ni Jaydee may balkonahe din ito at mas malaki kumpara doon sa nasa Hacienda Isidto.
Hindi lang si Laney ang gumawa nito, nagpatulong sya sa isang tagapagsilbi ng mansyon.

Noong mga nakalipas na linggo, kahit itanggi ni Jaydee batid ko na lalong nagbabago ang pakikitungo nya sakin.
Ayokong mag isip ng mali tungkol sa kaniya, o sa kanila ni Francese ngunit may parte parin sa akin na hindi mapalagay sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

"Kay lalim ng iniisip mo" sambit ni Laney

Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko habang nakayakap ito sa akin.

"Bakit hindi ka lang matulog doon" sagot ko sa kanya.

"Naramdaman kong wala ka na doon kung kaya hinanap kita" mabuti pa ang Isang to hinahanap ako, may ibang tao dito na kusa pang aalis upang di lang ako makita.

"Laney"

"Mmh?"

"Alam mo kung gaano ako nasisiyahan sa mga nangyayari sa iyo ngayon. Batid ko na kahit papaano ay umaayos na ang kalagayan mo"

"Hahayaan mo na ba ako?" Tanong nya sa akin.

"Narito lamang ako palagi, kami ng mga tao sa mansyon" umalis ako mula sa pagkakayakap nya at hinarap sya.
"Hindi kami magsasawang intindihin at alalayan ka"

"Ikaw lang ang kailangan ko Amanda" malambing na sabi nya habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Bilang kaibigan Laney, mananatili ako sa tabi mo"

"Hindi ko alam kung bakit bumalik ang lahat Amanda, marahil ay hindi ako tumigil na mahalin ka"

"Laney, nangungulila ka lamang" paliwanag ko sa kanya.

"Buhay pa si Daryll alam mo kung ano ng mayroon sa atin Amanda"

"Laney" tumingin ako sa paligid para tiyakin kung may nakamasid.
"Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa atin"

"Hindi ka din naman tumigil na mahalin ako, hindi ba Amanda?"

Hinihintay nya ang sagot ko habang ako nakatingin lamang sa kanya.
Mahal nga ba kita? O sadyang nais ko lang ng atensyon na hindi naibibigay ni Jaydee sa akin.

Bumalik nalang ako sa sarili ko ng bawiin nito ang halik na binigay nya sa akin.

Sabay kaming lumingon sa pintuan kung saan nakatayo si Luna at tila nagtataka sa nakita nya.
May kaba akong naramdaman at lumapit agad sa kanya.

"Dada?" Mahina nyang sabi habang nakatingin kay Laney.

"Gusto mo bang maglaro tayo Luna?" Alok ni Laney sa kanya.
Binalik ko ang tingin kay Laney.

"Maglaro na kayo anak" sambit ko sa kanya, nais ko man magpaliwanag ngunit hindi nya ito maiintindihan.

Binuhat sya ni Laney at sumama naman ito, pababa sila ng punong ito habang pinagmamasdan sila ay narinig ko si Laney na sinabihan syang napuwing lamang ako kung kaya hinipan nya ang mata ko.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now