Kabanata 4

694 123 31
                                    

Jaydee's POV

Kasama ko si Dana, Laney at Gabrielle, nililibot namin ngayon ang Unibersidad dito sa Maynila.
Si Dana ang namamahala nito kung wala kami.
Ngayon ay nasa loob lahat ng mga estudyante at matyagang nag aaral.

"Ano kaya kung pumasok ka sa isa sa mga silid na iyan Jaydee, at kung hindi sila makasagot sa tanong mo'y wag mo silang palalabasin" si Laney.

Huminto ako at nilingon sya.
Katabi nya si Gabrielle na abala ding nililibot ang paningin nya dahil sa loob ng ilang taon ay nasilayan nyang muli ang bagong Unibersidad na ito.

"Paano kung magtagisan nalang kayo ngayon ulit ng talino ni Jaydee, hindi ba mas nakakasabik iyon." Si Gabrielle.

"Nagsimula ka nanaman sa pang iinis sa akin." Sambit ni Laney, tumingin sya sa akin habang nakangiti "Sana'y natatandaan mo pa ang kahihiyan na dinulot mo sa akin Indio."

"Hindi nya makakalimutan iyon Laney, maging ako ay hindi. Tama ba Jaydee?" Si Gabrielle.
Tumalikod ako sa kanila at ngumiti. Nagpipigil din ng tawa si Dana.

"Gusto mo bang bumalik ang galit sa akin ni Laney, Gabrielle? Sa tingin ko ay doon nag umpisa ang poot na nararamdaman nya sa akin" sambit ko.

"Hindi na tayo nag aaral para magkaroon pa kayo ng pag aawayan. May mga asawa na kayo" si Dana.
Binuksan nya ang opisina nya.

"Palibhasa ay wala ka pang asawa Dana." Si Laney.

"Señorita Laney, maaari ka pong manahimik" pabiro nitong sabi.
May hindi siguro pagkakaunawaan si Dana at Jemimah kung kaya ganito nalang sya magsalita.

Umupo kami sa mga silya upang sandaling magpahinga bago umuwi ng Hacienda.

"Kapag talaga si Laney at Jaydee ang nagtrabaho kay bilis matapos" si Gabrielle.

"Sa wakas ay makakauwi na din tayo" si Laney.

"Paumanhin mga Señorita ngunit may mga darating na dokumento galing ibang bansa na kailangan agad pirmahan"

"Mahihintay naman namin iyan Dana" sambit ko sa kanya.

"Sa isang araw pa ang dating Jaydee" si Dana

"Ibig mong sabihin mananatili pa kami Dito?" Tanong ni Gabrielle.

"Maari naman na si Laney o si Jaydee ang maiwan" si Dana.

"Sa tingin ko si Jaydee na lamang, dahil sya naman talaga ang may ari ng Unibersidad na ito" sambit ni Laney.

"Bakit hindi nalang kayo maiwan na dalawa, ng sa ganun ay makapaglibot tayo kahit papaano" sambit ko.

"Magandang ideya Jaydee ngunit natatandaan mo bang may mga dapat pang asikasuhin sa Hacienda" si Laney.

"Tila nais ko ng bumalik ng ibang bansa, doon ay wala akong masyadong ginagawa" wika ni Gabrielle.

"Naglakad ka lang naman at umupo Gabrielle, kaming dalawa ni Jaydee ang may ginawa ano at tila sumusuko ka na wala pa naman kaming pinapagawa sayo?" Si Laney.

Ngumiti ng nakakaloko si Gabrielle sa kanya.
"Ang sabi ko ngay dapat na kaming mauna ni Laney"

Tumayo na kami at naghahanda sa pagbalik muna sa mansyon dito sa Maynila.

"Maiiwan ka na namin dito Dana, sa mansyon ka na lamang umuwi mamaya" bilin ko sa kanya. Iyon naman ang madalas naming gawin kapag narito kami ni Laney, kasama namin si Dana sa mansyon.

Ilang minuto ng pag mamaneho ay dumating na kami sa mansyon.

"Sigurado ba kayong uuwi na kayo, maari nyo namn ipagpabukas ng maaga" sambit ko sa kanila habang naglalakad kami papasok ng mansyon.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now