Kabanata 22

512 98 31
                                    

Laney's POV

Kanina pa hindi maalis sa isip ko ang mga narinig kong usapan nila Jaydee kanina. Hanggang ngayon ay hindi ako kumbinsido ngunit nais kong malaman kung totoo ba.

Kung iisipin, halos magkasabay lang pinanganak si Danielle at Luna, ngunit sa nagkaibang ospital sa ibang bansa. Wala kaming balita simula ng nagtungo sila doon, liban kay Sela at Abby.

Sa loob ng ilang taon walang nakaalam o nakahalata ni isa samin.
Ngunit may isang kahina hinala na ngayon ko lang napagtanto. Si Amanda.
Simula ng dumating silang dalawa ni Jaydee mula ibang bansa, naging mas malapit sya sa akin.

Sa akin sya nagsasabi ng problema nya tungkol sa kawalan ng oras sa kanya ni Jaydee. Kaya napunta kami sa punto na bumalik ang nararamdaman para sa isat isa. Batid naming mali ngunit ninais din naming dalawa.

Lalong nag iba ang kinilos nya ng dumating si Francese, may mga araw na nais nitong kasama ako, may mga araw din na hindi. Kaya ba sya nagkaganun dahil sa pagbalik ni Francese.

Noong gabi na nasa mansyon si Francese sa maynila, hindi sya nagawang iwasan ni Jaydee.
Dahil kaya sa tinatago nila, isa din ba ito sa dahilan kung bakit nagawa ding magtaksil ni Amanda.

Batid ko na naguguluhan lamang si Amanda ngunit alam kong mahal nya din ako. Kasal lamang sila ni Jaydee, hindi sapat yun upang manatili si Amanda sa kanya kung talagang hindi nila anak si Luna.

Dalawang Hacienda ang magtatalo sa karapatan nila kay Luna, alam kong napakahalaga ng mga tagapag mana para sa kanila.

Ayaw nilang ipaalam kaagad, lalo na ni Uncle Nikollo dahil batid kong dadaanin nya sa mabuting usapan ang pagsasabi ng sekretong ito.

Ngunit paano kung sa ibang paraan malaman ni Don Franklin at Don Alejandro ang katotohanang ito. Tiyak kong magugulo ang buhay mo Villaruel.
Mabibigyan din kami ni Amanda ng pagkakataon na lumayo sa Haciendang ito.

Si Amanda nalang ang meron sakin ngayon, hindi na sya pwedeng mawala sakin.

Hindi ako pwedeng magtungo ng Hacienda Pinlac at bigla nalamang sabihin ang narinig ko gayong hindi pa ako ganun kasigurado.

Hindi maaaring gumawa ng pekeng dokumento sa ibang bansa, nakabase iyon sa kanilang batas. Liban nalang kung dito na gumawa ng pekeng dokumento si Jaydee ng kapanganakan ni Luna. Kung si Francese ang ina ni Luna, tiyak kong pangalan nya ang nakalagay sa orihinal dokumento iyon.

Saan mo pwedeng itago ang katibayan na iyon Jaydee. Kung walang nakakaalam ni isa sa amin dito, tiyak kong hindi ganun kahirap hanapin ang dokumento na iyon.

Kailangan kong mahanap agad kung saan nyo yun tinago. Malakas ang pakiramdam ko na narito parin sa mansyon iyon.

Tumayo ako at nagtungo sa kung saan ko nilagay ang mga dokumento ni Danielle nung pinanganak ito. Kinuha ko yun at lumabas ng silid ko.

Hindi ako maaaring pumasok sa silid nila ngayon dahil tiyak kong napakahimbing pa ng tulog nila. Kung kaya sa silid aklatan na muna ako nagtungo.

Ilang oras na ako dito ngunit wala parin ang hinahanap ko, sandali muna akong umupo para magpahina.
Napatingin ako sa isang kahon at biglang pumasok sa isip ko ang kahon na pinag lalagyan ni Jaydee ng mga pahina ng librong sinulat nya dati. Kung hindi ako nagkakamali pag aari pa ito ng ina nya.

Minsan ko na itong nakita dito sa silid aklatan. Tumayo ako upang hanapin sa buong silid na ito ang kahon na iyon. Ngunit wala akong nakita.

Isa nalang ang naiisip kong lugar kung saan yun maaring nakalagay, sa silid nila ni Amanda.

Bumalik ako ng silid ko na halos katabi lang ng silid nila.
Hinihintay ko na mag umaga upang pumuslit at kuhanin ang hinahanap ko.

Ilang oras ay di ko namalayan na naidlip na ako habang nakaupo kung saan ako nagsusulat.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now