Kabanata 20

537 92 53
                                    

Amanda's POV

Narito ako ngayon kasama sila Papa na nag uusap, kanina ay narito din si Francese ngumit umalis din dahil tinawag ni Ella.

Si Jaydee nasa labas kasama ni Luna, kausap pa ang ibang mga bisita. May mga iilan na umuwi na dahil tapos na din naman ang kasiyahan.

Kung ano ano lamang ang pinag uusapan ng mga ito, nais ko na din sanang umalis at sumunod kay Jaydee dahil may umaaligid na di ka nais nais na tao sa mansyon na ito ngunit ayaw pa akong paalisin ni Papa dahil may mga tinatanong pa ito.

Tanaw mula rito si Laney na kausap si Ruth, habang hawak nya ang baso ng alak ay lumingon sya sa akin. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya.

Maya maya pa ay may inutos si Papa, kukuhanin ko ang mahalagang dokumento sa silid aklatan.
Habang paakyat ako sa hagdan ay di ko maiwasan mag reklamo, wala na bang ibang araw at ngayon pa nila napiling mag usap tungkol sa negosyo.

Agad naman akong nakarating sa silid na ito, kinuha ko na ang dapat kuhanin.
Palabas na sana ako ng pinto ngunit palingon pa lamang ako, laking gulat ko na makita si Laney na nakasandal sa nakabukas na pinto.

"Paumanhin kung natakot kita" natatawang sabi nya.

Tinaasan ko sya ng kilay at naglakad palapit sa kanya.

"Sa susunod magsalita ka, tumabi ka jan kailangan kong bumaba agad" utos ko ngunit tila wala syang narinig.

"Kailan tayo aalis?" Seryosong tanong nya.

"Lasing ka ba Laney?" Pag iiba ko ng usapan.

"Tapos na ang kasiyahan Amanda, hinihintay ko lamang ang Oo mo, ano mang oras aalis na tayo mahal ko"

"Laney, ang mga pananalita mo, hinaan mo ang boses mo at baka may mga taong nasa paligid"

"Hindi ba't mahal ko naman ang tawag natin sa isat isa"

"Noon yun Laney, nag usap na tayo tungkol dito, tumabi ka na jan" sambit ko at bahagya syang tinulak. Nakalabas na ako ng pinto dahil nawala na sya na nakaharang.

"Paiba iba ang isip mo Amanda, maging ako ay naguguluhan na sayo. Hindi mo ba nakikita na pinaglalaruan na lamang ni Jaydee ang damdamin mo"

"Ano man ang hinala ko noon sa kanya Laney, nawala lahat yun simula ng napag pasyahan naming kalimutan ang lahat"

"Ngunit hindi ako nakakalimot Amanda"

"Hindi ikaw ang asawa ko Laney, hindi mo kailangan lumimot, umintindi ka"

"Galit ka lamang sa ngayon sa akin dahil masaya kayo ni Jaydee, ngunit batid kong babalik ka din" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya, tuluyan na akong naglakad pababa.

Lintek na Laney sumasakit ang ulo ko sa mga taong hindi makaintindi ng tama na at tapos na.
Alam ko na hindi ganun kadali sa kanya ngunit kung talagang mahal nya ako hahayaan nya akong maging masaya ng hindi sya ang kasama.

Nagkamali ako ngunit paulit ulit kong itatama yun para kay Jaydee.

Sa pagbaba ko ng hagdan, nakasalubong ko si Ella na paakyat.
Naiilang pa itong magtanong sa akin ngunit sa huli ay nagtanong din.

"Magandang gabi Amanda, nakita mo ba si Gia?" Tanong nito.

Bahagya akong kinabahan dahil baka nasa pangalawang palapag si Gia.

"Hindi ko napansin Ella, paumanhin" sambit ko at tumango na lamang sya bago magpasalamat.

Mukhang hindi naman na ako kailangan dito kung kaya nag paalam na akong lumabas.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now